LAGI naming nakikita ang anak ng kilalang politiko sa condo building malapit sa ABS-CBN kasama ang mga kaibigan na karamihan ay babae at foreigner pa.

Hindi naman mga showbiz ang mga kaibigan pero mukhang mga estudyante na baka kaklase ng bagets sila sa eskuwelahang pinapasukan?

Wala naman kaming nakitang kahina-hinalang kilos dahil nagkukuwentuhan lang naman sila sa daan na tila may hinihintay at naringgan naming niyaya silang pumasok sa coffee shop na nasa ibaba lang ng condo building pero dedma ang anak ng politiko.

In fairness hindi namin nakitaan ng yabang ang bagets at wala siyang close-in bodyguard na kaagad siyang nakilala ng mga dumadaan dahil sobrang sikat ng magulang niya at siya na rin, ‘yun lang hindi masyadong namamansin kasi mahiyain pa.

Blind Item

Tsinuging aktor sa serye nag-fly sung daw sa ibang bansa, may iniiwasang kaso?

Simple lang naman manamit pero alam mong branded mula sa shirt hanggang sapatos.

-Reggee Bonoan