TULAD ng katambal na si Jasmine Curtis Smith, malaki ang nabago sa pananaw ni Rocco Nacino ngayong ginagawa niya ang local adaptation ng Descendants of the Sun.

Jasmine at Rocco

Un a n g - u n a s a pagt i - t r a ining pa lamang niya kasama s i n a D i n g d o n g Dantes at ang iba p a n g b u m u b u o n g Al p h a t e am, natutunan na niya ang mga naitutulong ng mga sundalo sa mga tao, kaya hindi siya nagdalawang-isip na pasukin ang pagiging Reservist sa Philippine Navy. At hindi niya malilimutan ang training nila na dalawang araw lamang nilang ginawa pero dalawang taong ginagawa ng mga gustong magsundalo. Good discipline ang natutunan niya.

“Kaya nakakatuwa po ang mga comments ng mga netizens na sumusubaybay sa amin at ang isa pa nilang hinihintay ang mga eksena namin ni Capt. Moira played by Jasmine,” kuwento ni Rocco sa interview sa kanila sa Ethan’s Cafe in Quezon City. “Sa ngayon po kasi parang forbidden ang love namin dahil ayaw ng tatay niya dahil isa lamang akong Technical Sergeant, si Diego Ramos, samantalang Captain na si Moira. Para pong high school setting kami, nakaka-relate kami ni Jasmine.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“At mukha pong na-surpassed namin ang expectations ng mga viewers as per their good comments sa social media. Hindi po kasi namin napapansin iyon dahil hindi naman namin napapanood dahil wala kaming monitor lalo na kung walang signal sa location namin.”

Alam ba ng boyfriend ni Jasmine, si Jeff Ortega, na siya ang katambal ng girlfriend?

“Ma s una kong naging kaibigan si Jeff dahil nagkasama na kami noon sa isang movie, bago ko nakilala at ngayon nakasama sa serye si Jasmine. Happy siya na magkasama kami ni Jas sa serye.”

Ikinuwento rin ni Rocco na ang girlfriend na si Melissa Gohing ang unang nagsabi sa kanya noong 2016 pa, na gawin niya ang K-drama dahil kamukha niya ang gumanap na Wolf, si Jin Goo, ayaw daw niyang maniwala pero nang ipakita sa kanya ni Melissa ang picture, oo nga raw kamukha niya. Siguro raw kung pupunta rito sa bansa si Jin Goo, hahanapin niya para magkakilala sila nang personal.

Si Rocco naman ang tinanong kung kailan sila magkakaroon ng eksenang magkabati na ni Moira.

“Wait na lamang kayo kasi, may nai-shoot na kaming magka-holding hands sina Wolf at Moira.”

Nai-share na rin ni Rocco na malapit nang matapos ang ipinagagawa niyang bahay at baka raw before or after his birthday sa March, magkaroon na sila ng house blessing. For that, excited daw siya dahil nine years niyang pinag-ipunan iyon.

Descendants of the Sun gabi-gabi after Anak ni Waray vs. Anak ni Biday.

-NORA V. CALDERON