For sale rin pala ang napakagandang bahay ni Sen. Manny Pacquiao sa Forbes Park at the price of P2 billion. May bagong house sa Forbes ang mga Pacquiao, kaya siguro ibenebenta ang nauna nilang bahay.

pacquiao

May nag-react lang dahil ang laki raw nang itinaas ng cost ng bahay ng mga Pacquiao dahil nabili lang nila ito ng P333M.

May post na ng ilang parts ng kanilang bagong bahay sa Forbes si Jinkee na maganda nga. Kapag ibenenta nila ang bago nilang bahay, malalaman kung magkano ang kanilang bili o pagpapagawa.

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

Idagdag na rin natin na ang panganay na anak nina Sen. Manny at Jinkee ay may bagong sports car na worth P8.5M. Hindi talaga nauubusan ng milyones ang pamilyang ito.

-Nitz Miralles