PINAGHARIAN ni Philippine National Master Elwin Herbias Retanal ang katatapos na 4th Riyadh Resident Chess Tournament na ginanap sa Mena Hotel, Olaya Street, Riyadh City, Kingdom of Saudi Arabia nitong Biyernes.

Ang Cebuano native Retanal, 1997 national junior champion ay nakaipon ng 7 points mula sa 7 wins para magkampeon sa 7-round tournament at matagumpay na maidepensa ang kanyang tangan na titulo.

Nakamit naman ni Candidate Master Khairat Ahmed ng Egypt ang second na may 6 points.

Magkasalo naman sina Abdel Fatah Mohamed Hamed ng Egypt at Mohammad Salahat ng Jordan sa 3rd at 4th places na may tig 5.5 points habang nanguna naman sina Nelson Lagutin at Eduardo Valenzuela ng Pilipinas sa grupo ng five pointers na kinabibilangan nina Gamal Abd Alhakm ng Egypt, Ababneh Ghayth ng Jordan, Mortada Haytham, Mahmoud Houssam at Elizamar Ahmad ng Egypt.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Ang iba pang Filipino na kalahok ay sina 13th placer Richard Matibag (4 points) at 18th placer Emmerson Vicencio (4 points).