MATAPOS magkampeon sa 2020 National Age Group Chess Championships - Visayas Leg (Under 14 Girls) na ginanap sa SM Seaside Cebu City nitong Enero 5, nakatutok ang atensyon ni country’s youngest Woman Fide Master Antonella Berthe “Tonelle” Murillo Racasa sa pagsulong ng University of the Philippines-Alpha Phi Omega-Patinikan Invitational Chess Tournament sa Pebrero 24 sa UP Diliman Campus sa Quezon City.

“ I hope to do well in this event,” pahayag ng 12-anyos na si Racasa, Grade 6 pupil ng VCIS - Home School Global.

Magugunita na nagreyna si Racasa, kakatawan sa bansa sa World Youth Rapid at Blitz Chess Championship sa Abril 12-16 sa Heraklion, Creta, Greece, sa 19th ASEAN International Age Group Chess Championship nitong Hunyo sa Davao City.

Nakamit niya ang gold medal sa standard competition kasabay ng pagkopo ng coveted WFM title sa kanyang effort para maging country’s youngest WFM sa ead na 11.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

Ang kanyang kampanya lokal man o internasyunal ay suportado nina D. Edgard A. Cabangon of ALC group of companies, Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman Andrea D. Domingo, Honorable Mayor Menchie Abalos and Councilor Charisse Abalos- Vargas of Mandaluyong City, Engr. Rogelio SP Lim, President of RSP Lim Construction Co Inc. Owner and developer of Boni Tower, Immediate Past President of Makati Med Mam Rose Montenegro and Mam Jean Altobano of Multimodal Security and Investigation Agency Inc.