BREAK muna sa trabaho si comedy actor Vice Ganda para mag-travel kasama ang kanyang boyfriend nasi Ion Perez, at sulitin ang isa’t isa sa isang private island sa Palawan.

Vice at Ion

Ibinahagi ng dalawa ang series of photo ng kanilang naging bakasyon sa Amanpulo. Kung saan makikita ang dalawa habang ninanamnam ang ganda ng paligid, under the stars.

“When LOVE wins we win,” caption ni Vice.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ibinahagi naman ni Ion ang kanilang picture habang nakasakay sa isang yacht. Sa isang larawan, bumuo pa ng heartshape hands ang dalawa, with the sunset for backdrop.

“Wala akong maisip na caption babe basta KALUGURAN DAKA (I love you in Kapampangan)!!!” caption naman ni Ion.

-STEPHANIE MARIE BERNARDINO