HINDI na pinatagal ni Charly Suarez ang pagsikwat sa Luzproba Super featherweight title kontra Dave Barlas ng Polomolok, South Cotabato nitong weekend sa Sagupaan sa Ilocos Sur--1st Kannawidan Boxing Cup sa Sto. Domingo Coliseum, Sto. Domingo, Ilocos Sur.
Umabot lamang sa 53 segundoi ng ikatlong round ang ratsada ni Suarez, tubong Sawata, Davao del Norte, para sa Technical Knockout (TKO) win kay Barlas.
Naging matikas din ang porma ni Ben Fairtex Ligas ng Elorde Gym/Fairtex nang i-knockout si Joan Imperial ng John Bravo Boxing Gym, may 2:13 segundo sa third ng iniskedyul na 8 para angkinin ang Luzproba Super Flyweight crown, dito sa torneong handog ni Ilocos Sur governor Ryan Singson at sa pakikipagtulungan ng Elorde Ilocos Sur Promotions kaalinsabay sa pagdiriwang ng Kannawidan Ylocos Festival 2020 at
kaagapay din sina Boxing Promoter Maria Laureta Elorde, Muay Thai Promoter Francis Amandy at Edmon Dellosa, matchmaker.
Sa isa pang main event, umiskor din ng knockout (1st rd. 33 secs. ng 8 rds. ) si Argie Toquero ng Elorde Plus BF Paranaque vs Jimmy Borbon ng Sta.Elena, Camarines Norte, para hablutin ang titulo ng Luzproba Super Lightweight .
Sa iba pang resulta, wagi by split decision (6 rounder) si John Mark Thuk ng Penalosa Gym Araneta kay Ranelio Quizo ng Elorde South Box Las Pinas. Panalo si Carl Jeffrey Basil ng Mabikas Boxing Baguio via TKO. 1:59 segundo sa 5th kontra Juanito Hondante ng Elorde Gym Vigan Ilocos Sur. Habang wagi rin by TKO, 2:45 secs, 4 rounds si Roy Sumugat ng EPBFP kay Richard Morales ng 555 Fitness Gym QC.
Sa pro Mua Thai cards, nanaig si Jen Claude Sarmiento kontra Ezekene Estomago sa pamamagitan ng unanimous decision (3rds, 115 lbs). Umiskor din ng knockout (1:29 secs. 3ds, 135 lbs) si Richard Lachica vs. Jomel Celedonio, at Mark Joseph Abrillo laban kay Mike Paiz, (UD). Louis Pangilinan