ISA si Joross Gamboa sa cast ng bagong iWant 4-part series na Fluid na pangungunahan nina Roxanne Barcelo, Ann Colis at Janice de Belen mula sa direksyon ni Benedict Mique na produce ng Lonewolf Productions.

joross

Gaganap si Joross bilang boyfriend ni Roxanne na nangaliwa at dahil sagalit ng dalaga at nagkataon na nakahanap siya ng taong mapagsasabihan niya ng sama ng loob na sa ex-dyowa at saka papasok sa eksena si Ann bilang isang lesbian.

Hindi pa alam ni Joross kung may love scene sila ni Roxanne dahil base sa script ni direk Benedict ay walang nakalagay pero posibleng mabago pa rin kasi nga may relasyon sila rito ng aktres.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Unang iWant series ni Joross ang Fluid bilang artista dahil may series na rin siyang Allergy in Love bilang direktor at writer.

“Ngayon may iba pa akong ipapasa sa iWant as director. Actually mahirap maging direktor kaysa artista pero siyempre ‘yung passion ko bilang aktor, hindi ko rin basta-basta maiiwan,” say ng aktor.

Tinanong namin ang aktor kung anong klase siyang direktor, nagsusungit at naninigaw ba siya.

“Eto ang nakakatawa kapag ako nagdidirek, hindi ako makapagbiro kasi nagmamadali ako, ‘yung shots kailangan ko ng asikasuhin, so kahit barkada ko ‘yung mga kasama ko hindi ako makapag-tsikahan.

“Pati kain ng lunch kailangan kasama ko ‘yung mga staff ko dahil kailangan naming pag-usapan ‘yung mga next scenes ganyan. Hindi naman ako naninigaw, pero istrikto ako kailangan kasi hindi naman puwedeng happy-happy (lang) kasi puputok na ‘yung araw,” kuwento ng aktor/direktor.

Kapag may mga eksenang hindi nakuha ng artista niya ay kinakausap niya ito ng sarilinan at hindi sinasabihan sa harap ng maraming tao.

As of now ay may tatlong sinusulat na script si Joross na ipi-peach niya sa iWant at sana matanggap.

“Mas gusto ko kasing ako ang magsusulat ng script at ako rin ang magdidirek para alam ko ang takbo at saka mas madaling mag-revise,”sabi pa.

At dito namin tinanong kung sinusundan niya ang yapak ni Direk Coco Martin na on the spot ay binabago o nirerebisa ang script.

Tumawa ng husto si Joross, “actually, na-train ako kay direk Coco, marami akong natutunan sa kanya.”

Oo nga naman sa tagal niya sa FPJ’s Ang Probinsyano ay maraming na-obserbahan si Joross sa istilo ng pagdidirek at pagsusulat ng aktor/direktor na si Coco.

Anyway, abangan ang Fluid sa unang linggo ng Marso dahil sa Sabado, Pebrero 8 palang sisimulang mag-shooting si direk Benedict.

-Reggee Bonoan