BONGGA sina Shakira at Jennifer Lopez, sa kanilang high-energy, hits-packed joint performance para sa Super Bowl Halftime Show, nitong Linggo (Lunes sa Maynila).

Shakira at J.Lo

Binuksan ng Colombian superstar, sa kanyang iconic hip-shaking performance ng She Wolf ang mid-game entertainment show sa Hard Rock Stadium sa Miami, Florida. At sundan ng fast-moving medley ng kantang Empire, Whenever, Wherever at snippet ng Led Zeppelin’s Kashmir. Tinapos nito ang unang bahagi ng show gamit ang kanyang signature song, na Hips Don’t Lie.

May grand entrance naman si J.Lo, na bumaba mula sa isang makeshift Empire State Building, bilang pagkilala sa kanyang hometown, New York City, kasabay ng performance niya ng mga hit songs, kabilang ang Jenny from the Block, Ain’t It Funny at ang foot-stomping version ng Get Right.

Musika at Kanta

Wolfgang, binuburaot ng Ivory, Vicor Music?

Nagpakita rin ng galing sa pole-dancing si J.Lo sa kanyang pagtatanghal ng Waiting For Tonight, kasabay ng special appearance ni J Balvin para sa Love Don’t Cost a Thing at kanyang track, na Mi Gente.

Bahagi rin ng pagtatangahal ni J.Lo, ang kanyang Latin pride performance kung saan suot niya ang isang colourful wrap emblazoned kasama ng U.S. flag on one side at ang flag ng Puerto Rico sa kabilang bahagi. Sinamahan din siya ng kanyang 11-year-old daughter, na si Emme, na nagpakita ng galing sa pagkanta sa kanyang slowed-down version ng Let’s Get Loud.

Hindi naman nakaligtaan ng artist na magbigay-pugay sa Los Angeles Lakers icon Kobe Bryant, na namatay sa helicopter crash kasama ang kanyang anak na babae at pitong iba pa nitong January 26.

Bago matapos ang performance nagsama ang dalawang superstars sa stage para sa finale gamit ang kanta na Waka Waka (This Time for Africa).

Panay papuri naman ang natanggap ng dalawang Latinas mula sa kanilang celebrity friends and fans online, kasama ang pauri ng 2017’s Super Bowl Halftime Show headliner Lady Gaga.

“@JLo and @shakira and all the special guests were so incredible!!!”. “What a fun halftime show I danced and smiled the whole time. Such powerful sexy women!!!! On camera and off!!!!! Love you beautiful sexy talented women”.

“BEST SUPER BOWL PERFORMANCE OF ALL TIME... WOWOWOWOWOW (sic),” exclaimed singer Ally Brooke. “This is what history looks like. This is what inspiration looks like. This is what Latina looks like”.

Post ni Kim Kardashian, “Wow those two beauties really killed it!!!!!!,” as Pink wrote, “Yes! Halftime was JOY!!!!!!!!! Yes!!!!! @shakira @JLo everything that’s yes”.

“I could watch Shakira + JLo perform this halftime show forever. #SuperBowl #SuperBowlLIV,” tweeted ng aktres na si Olivia Munn, at country star Keith Urban, “ALRIGHT!!!!!! now THAT was a GLOBAL Super Bowl halftime performance!!!!!! STUNNING- WE LOOOOOOOOVED IT (sic)! CONGRATS @JLo, @shakira and the whole ensemble AND CREW !!!!!! -KU #SuperBowlLIV”.