HINDI namin ini-expect na malaking threat pala si Julia Montes sa ibang ABS-CBN artists dahil aksidenteng narinig namin ang komento ng ilan sa kanyang pagbabalik ngayong 2020.

Julia

Laman sa social media ang pagbabalik ni Julia sa showbiz base sa posts ng manager niyang si Cornerstone Entertainment honcho, Erickson Raymundo, handler niyang si Mac Merla at ang Dreamscape Entertainment head na si Deo T. Endrinal na pawang excited sa aktres.

Base sa narinig naming komento mula sa kampo ng ilang artista ng ABS-CBN, “huy, babalik na raw si Juls at anong say mo, may project kaagad.”

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Sagot naman ng kausap, “marami na namang tengga.”

Well, deserving din naman ni Julia na bigyan ng proyekto dahil mahusay siyang artista, sobrang propesyunal, mabait at marunong makisama sa lahat ng tao.

Samantala, nitong Huwebes ay dinalaw namin sa Cornerstone office ang manager ni Julia na si Erickson at nagtanong kami kung ano ang mga gagawin ng alaga niya.

“Wala pang specific na sinabi sa amin si Deo, pero ‘di ba, nag-post nga siya na natutuwa siya sa pagbabalik ni Julia? Kami rin masaya, siyempre ang tagal niyang n awala , ” s a b i n i Erickson.

Di ret song tanong nami n sa manager ng aktres kung nabanggit nitong bakit siya b i g l a n g n a g b a k a s y o n s a showbiz.

“Hindi namin napag-usapan kasi sandali lang ‘yun, nu’ng nagsabi siyang pupunta siya rito sa office tapos pumunta na kami kay Deo. Saka hindi ako nagtanong, walang nagtanong at hindi rin naman siya nagkuwento,” pahayag sa amin ni Erickson.

-REGGEE BONOAN