TULOY na ang pagpapakasal ng mag-sweetheart na Juancho Trivino at Joyce Pring. At kahit busy ang dalawa sa kani-kanilang work isinasagawa na rin nila ng preparations nila para sa nalalapit nilang kasal.

Juancho at Joyce

Last August, 2019, nag-proposed ng kasal si Juancho kay Joyce sa Boracay. At ngayon naman sa isa pa ring beach naman isinagawa nila ng kanilang prenuptial shoot. Sa Siargao Island. Ipinasilip na rin nila ang kanilang behind-the-scenes photos sa dagat.

Busy si Juancho sa pagti-taping ng GMA Afternoon Prime drama series na Madrasta pero lagi siyang may time para sa girlfriend. Biniro nga tuloy si Juancho kung si Joyce lang talaga ang girlfriend niya.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“Yes, loyal po ako kay Joyce, at yung role ko as Sean sa “Madrasta,” hanggang doon lamang talaga iyon,” natatawang sagot ni Juancho. “Walang nag-aagawan sa akin sa tunay na buhay. Sa serye po lamang ako pinag-aagawan nina Audrey (Arra San Agustin) at Katharine (Thea Tolentino).”

Malapit na ring matapos ang “Madrasta” kaya sunud-sunod na ang mga pasabog ni Katharine para ma-hold lamang niya si Sean na ang dami-dami na niyang kasalanang ginawa sa dating asawa. Pero si Audrey ang tunay na mahal ni Sean, at mapapatunayan ito ngayong bumalik na ang kanyang alaala matapos magkaroon siya ng amnesia nang maaksidente siya, na kagagawan pa rin ni Katharine.

Napapanood ang “Madrasta” pagkatapos ng Prima Donna.

-Nora V. Calderon