D’ NINANG ang latest movie ng nag-iisang comedy queen na si Ai Ai de las Alas at sakto ang titulo sa magaganap ngayong araw, Enero 12 sa Quiapo Church dahil magni-ninang siya sa maraming batang bibinyagan.

Ai Ai 2

Ito ang kuwento ni Ai Ai sa ginanap na D’Ninang presscon handog ng Regal Films nitong Huwebes na ginanap sa Valencia Events Place.

Aniya, “Nag-text sa akin ‘yung best friend ko na pari na parang merong libreng pabinyag sa Quiapo at kinuha akong ninang ng mga bibinyagan. Parang sponsored ng Radio Veritas. Kinuha nila akong ninang.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“So, sa Sunday, nandoon ako, mag-aanak ako sa binyag sa mga taong hindi ko kakilala. Ako ang kanilang major Ninang.”

At base sa pagkakakilala namin sa komedyana na kahit hindi niya kilala ang mga batang bibinyagan ay aabutan niya lahat ng pakimkim. Ganu’n ka-generous si D’ Ninang.

Na k a s i s i gur o r in k ami na halos lahat ng dumalo sa binyagang pampubliko ngayong araw ay manonood ng pelikula ni Ai Ai bilang giving back din at higit sa lahat, pampamilya ang pelikulang idinirek ni GM Sampedro.

Kasama rin sina Kisses Delavin, Joey Marquez, McCoy d e Leon, Kiray Celis a t Lou Veloso sa pelikula.

-Reggee Bonoan