SINA Dingdong Dantes at Marian Rivera pa rin ang king and queen ng mga artista ng GMA Network. Sa natanggap naming media dispatch galing sa corporate communication department ng Siyete, may tig-isang malalaking TV series sina Marian at Dingdong sa powerhouse line-up ng primetime shows na ikinakasa ng network.

Marian at Dingdong

Title-roler si Marian sa First Yaya sa kanyang pagbabalik-primetime kasama si Gabby Concepcion na gaganap bilang bise presidente ng Pilipinas. Sa ipinahihiwatig ng title, mukhang magiging presidente si Gabby kalaunan. Maaakit siya sa lovable na yaya ng kanyang mga anak. Ngayon pa lang, marami na ang nag-aabang para mapanood ang on-screen chemistry between nina Gabby at Marian sa light romantic-comedy series.

Bida naman si Dingdong sa highly-anticipated na local adaptation of hit Korean series na Descendants of the Sun (DOTS). Last year pa ipinagmamalaki ng GMA-7 na eere na ito ngayong 2020. Leading lady ni Dingdong ang isa pang prime actress ng Kapuso Network na si Jennylyn Mercado. Ang DOTS ay madamdaming love story ng alpha team leader na sina Captain Lucas Manalo at Dr. Maxine dela Cruz.

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

Makakasama nila sina Rocco Nacino at Jasmine Curtis-Smith at pati na sina Lucho Ayala, Jon Lucas, Paul Salas, Prince Clemente, Ricardo Cepeda, Antonio Aquitania, Andre Paras, Chariz Solomon, Nicole Donesa, Jenzel Angeles, Reese Tuazon, Renz Fernandez, Neil Ryan Sese, Ian Ignacio, Rich Asuncion, Marina Benipayo, Hailey Mendes, at Roi Vinzon. Si Dominic Zapata ang direktor ng napakalaking proyektong ito.

Primetime offering din uli ang TV adaptation ng hit 1984 movie na Anak ni Waray vs. Anak ni Biday, bida sina Barbie Forteza at Kate Valdez, kasama sina Snooky Serna at Ms. Dina Bonnevie. Gaganap sina Barbie at Kate bilang matalik na magkaibigang sina Ginalyn at Caitlyn. Wala silang kamalay-malay na ang kanya-kanyang nanay pala nila na sina Amy (Snooky) at Sussie (Dina) ay mortal na magkaaway dahil sa iisang lalaking minahal, si Joaquin (Jay Manalo) --ang tatay nila.

Makakasama nila sa Anak ni Waray vs. Anak ni Biday sina Teresa Loyzaga, Migo Adecer, Faith Da Silva, Benedict Cua, at Ms. Celia Rodriguez. Gaganap na batang Snooky at batang Dina sina Max Collins at Lovi Poe, sa direksiyon ni Mark Sicat dela Cruz.

Magbabalik primetime din sina Carla Abellana, Mikael Daez at Rhian Ramos sa pamamagitan ng seryeng Love Of My Life. Makakasama nila si Ms. Coney Reyes at may special role na gagampanan si Tom Rodriguez. Mula sa direksiyon ni Don Michael Perez ang kanilang inspirational drama.

Magbabalik-telebisyon din si Sen. Bong Revilla, Jr. via action-packed drama-fantasy series na Agimat ng Agila.

-DINDO M. BALARES