A very big factor kung bakit naging blockbuster hit (at patuloy na pinipilahan) ang Miracle In Cell No 7 ay ang magandang chemistry between Aga Muhlach at child actress Xia Vigor na gumanap bilang mag-ama sa Pinoy adaptation ng Korean movie. Pinaiyak at pinatawa ni Xia ang libo-libong nanood ng pelikula.

Xia

Nakilala si Xia via Your Face Sounds Familiar na agad nag-viral wordwide sa pag-impersonate niya kay Taylor Swift. Kinarir niya kahit munting pag-galaw ng kamay ng sikat na Hollwood singer.

Hindi nakaligtas sa paningin ng Viva Executives ang galing ni Xia at sa pag-casting na “Miracle In Cell No 7” ay mismong ang direktor ang pumili kay Xia to play the young girl Yesha. Sa tunay na buhay ay mahal na mahal ni Xia ang kanyang pamilya.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Proud na proud ang ina ni Xia sa pagkakaroon ng anak na mabait, mapagmahal at may concern sa mga bata. Si Xia ang first child ambassador ng Habitat For Humanity and Save The Children Foundation at youngest advocate ng World Wildlife Fund.

Ang palaging sinasabi ni Xia sa mga bata na abutin ang kanilang mga pangarap kahit man kahirap.

Sa tagumpay ng “Miracle In Cell No 7” ay ganap na nabuo ang pangarap ni Xia na ang hangad ay magsilbing inspirasyon at role model sa mga kabataan.

-REMY UMEREZ