MARAMING nagulat sa post ng DZRH News nitong Biyernes Enero 3, 6:16PM na nakatakdang ikasal na sa Marso 2020 sina Matteo Giudicelli at Sarah Geronimo dahil ang bilis naman daw at wala man lang balita tungkol sa wedding details.

Sarah at Matteo

Posibleng inililihim din dahil 2018 pa pala engaged ang dalawa at nitong 2019 lang pinost nina Sarah at Matteo sa kanilang IG account. Baka nga gusto uling manggulat ng AshMat.

Anyway, base naman sa aming pagtatanong sa taga-DZRH, “kailan pinost? Sino nag-post? Kasi wala kaming alam, e, ‘di sana alam naming lahat?”

Tsika at Intriga

Bea, Julia, at Kim may 'common denominator' daw sa pagiging calendar girl

Base rin sa mga nabasa naming komento sa post ay marami pang gagawin si Sarah tulad ng isa siya sa hurado ng The Voice na hindi naman lahat ay advance taping.

Pero maluwag ang schedule ni Sarah sa Viva dahil as of this writing ay wala siyang pelikulang naka-line up. Si Matteo naman ay may Pedro Penduko.

Kuwento rin ng aming reliable source, “posibleng magpakasal na nga kasi pinayagan na si Sarah ng magulang niyang mag-asawa na dahil nag-usap na sila ng masinsihan kasama si Matteo.”

Nabanggit pa na may ibinigay ang aktres sa pamilya kaya technically ay puwede na niyang gawin ang gusto niya.

Sabi sa amin, “At saka it’a about time na mag-asawa na si Sarah, 32 years old na siya this year. Need na niya magbuntis ‘no!”

Hmm, ang dami palang ikakasal ngayong 2020 at abangan na lang natin kung sinu-sino sila.

-Reggee Bonoan