SALUBUNGIN natin ang Bagong Taon sa scoop na labu-labong tsika ng sources namin sa malaking television network.

Last year pa pala may nangyayari gulo pero walang lumalabas sa entertainment reports.

Mukhang iniingatang makalabas sa publiko dahil pinakamalalaking artista ng network ang dawit.

Take note lang, hindi ang pinakamalalaking artista ang nanggugulo kundi ang isang magandang aktres na wala pa namang masyadong napapatunayan. Pero bigger stars sa kanya ang ginugulo niya.

Blind Item

Tsinuging aktor sa serye nag-fly sung daw sa ibang bansa, may iniiwasang kaso?

Lahat ng nakakaalam, naghihintay na maisulat ang tsika, pero wala talagang lumalabas.

Kaya hindi na kami nagtaka na halos pabulong pa itong ikinuwento ng aming sources.

Shocked ang lahat sa loob ng network sa magandang aktres na naninigaw, nagmumura at nagtutulak ng lahat ng babaeng nakakausap ng kanyang poging lovey-dovey.

Ang problema, biggest stars ng network ang nakakaranas ng baltik ng magandang aktres. Wala siyang sinisino.

Ang ipinagsisintir ng magandang aktres, selos na selos ito sa kapwa aktres din ng network na inuuwian ng kanyang lovey-dovey.

The plot thickens?

Hintaying magsalita ang magkasintahang prime stars ng network na pinagsisigawan ng magandang aktres. Ang tanging kasalanan lang naman ng magkasintahang prime stars, best friend ng girl ang aktres na inuuwian ng lovey-dovey ng magandang aktres.

Kausap ng magkasintahan ang lovey-dovey nang magsisigaw ang magandang aktres.

Pati ang singer-aktres na dating na-link noon sa lovey-dovey ng magandang aktres, inabot na rin ng init ng selos niya.

Muntik umabot sa sabunutan ang talakan. Mabuti na lang may nakaawat.

Pati ang isa sa mga inirerespetong aktres ng network, inaway.

Usap-usapan ngayon sa network na mukhang hindi totoong tanggap ng magandang aktres ang pagiging No. 2. Ginugulo at nakakatikim ng sigaw at mura niya ang sinumang kumausap sa kanyang lovey-dovey, lalo na kung alam niyang may koneksiyon ang mga ito sa inuuwian nitong aktres.

Samantalang ang No. 1, kampante lang sa buhay o sa bahay.

Sinu-sino ang mga bida sa labu-labo nating blind item?

Abangan sa mga susunod na laman ng entertainment section ng Balita!

-DINDO M. BALARES