ITINUTURING na malas ang numerong 13, ngunit patuloy na maririnig ang tunog ng 13 kampanba sa makasaysayang Simbahan ng St. Clement sa Iloilo City.

Buhay ang maligaya at makahulugang melodiya sa ikalawang palapag ng simabahan sa balkonahe kung saan halinhinang pinatutunog ng mag-amang sinaWilfredo Poblacion, 55, at Winston, 22, ang 13 kampana ng simbahan.

Sumasabay naman ang mga mananampalataya sa himig ng kampana na naglalabas ng mga melodiya ng mga kantang Pamasko tulad ng “O Come, All Ye Faithful”, “Joy to the World”, at “Silent Night”.

Sa pagbabahagi ni Fr. Ramon Fruto, ang unang Filipino Redemptorist priest, ipinaliwanag niyang espesyal ang kampana ng kanilang simbahan dahil sa nililikha nitong carillon music na hindi elektroniko, na karaniwan sa panahon ngayon.

Ito ang tradisyon nais panatilihin ng Simbahan ng St. Clement. Lalo na’t malaki rin ang naging gampanin ng simbahan sa kasaysayan. Dito idinaos ang unang Novena mass sa Pilipinas noong Mayo 1946, na naging insirasyon ng sikat na Novena mass sa Baclaran Church sa Metro Manila.

“At that time, he had been working for years on the barrio missions in Panay Island, but his heart could find no rest until he had seen the carillon bells in his native Belfast duplicated in Iloilo,” pagbabahagi ni Fr. Fruto, sa kuwento ni Fr. Burns bilang isang batang seminarista noong 1949.

Taong 1952, nang bilhin ang 13 kampana mula sa Gillett & Johnston, na kilala noon sa paglikha ng mga de kalidad na orasan at kampana sa London, England.

Enero 1853 nang dumating sa Iloilo ang mga kampana na may Gaelic inscriptions at unang pinatunog noong Pebrero 6, 1953.

-TARA YAP