BALANGA, BATAAN – Naisalba ng 1Bataan-Camaya Coast ang mainit na ratsada si Allyn Bulanadi sa fourth quarter para maitakas ang 91-83 panalo kontra Basilan-Jumbo Plastic nitong Huwebes sa 2019-20 Chooks-to-Go/MPBL Lakan Cup sa Bataan People’s Center.

BAKIT REF! Natigagal ang player ng Bataan ng tawagan siya ng foul ng referee sa isang tagpo ng kanilang laro sa MPBL.

BAKIT REF! Natigagal ang player ng Bataan ng tawagan siya ng foul ng referee sa isang tagpo ng kanilang laro sa MPBL.

Tangan ang naitalang 24 puntos sa third quarter, arangkada ang Risers sa 67-47 bentahe tungo sa final period.

Ngunit, hindi naging agresibo sina Irwen Palencia at Allyn Bulanadi para maibaba ang bentahe sa 12 puntos, 67-79.

Angelica Yulo, ibinida training ng mga anak sa Japan

Nagpatuloy ang ratsada ni Bulanadi, ngunit nagpakatatag ang Risers para maselyuhan ang panalo.

“I was really worried about him [Bulanadi], kasi when I was watching the tapes ‘di ko alam kung saan yung weakness niya. Pero buti nung dulo na lang, if it was in the earlier part baka hindi kami nagkaroon ng cushion,” pahayag ni Risers head coach Jonas Villanueva.

Nanguna si John Villarias sa Bataan na may 17 puntos, anim na assists, at anim na rebounds, habang kumana sina Chito Jaime at Reed Juntilla ng 13 at 12 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Sa iba pang laro, nagwagi ang Biñan City Luxxe White kontra Caloocan-Victory Liner, 72-68; at pinataob ng Mindoro ang Rizal-Xentro, 74-73.

Iskor:

(Unang Laro)

1Bataan-Camaya Coast (91) -- Villarias 17, Jaime 13, Juntilla 12, Jumao-as 9, Batino 8, Iñigo 8, Gallardo 6, Nalos 5, Gozum 5, Castro 4, Llanto 2, Cudal 2.

Basilan-Jumbo Plastic (83) -- Bulanadi 26, Dumapig 13, Bringas 12, Collado 10, Dagangon 10, Palencia 6, Uyloan 3, Hallare 3 Gabo 0, Balucanag 0, Bautista 0, Manalang 0, Daa 0.

Quarterscores: 27-19, 43-30, 67-47, 91-83.