MAGAMIT ang momentum sa naitalang panalo sa nakaraan nilang laban ang tatangkain ng Meralco upang makamit ang 2-1 bentahe kontra TNT sa muli nilang pagtutuos ngayong gabi sa Game 3 ng kanilang 2019 PBA Governors Cup best-of-5 semifinals series sa Araneta Coliseum.

HINDI napigilang na TNT Katropa ang mala-halimaw na laro ni Meralco Bolts import Allen Durnham. (RIO DELUVIO)

HINDI napigilang na TNT Katropa ang mala-halimaw na laro ni Meralco Bolts import Allen Durnham. (RIO DELUVIO)

Ganap na 7:00 ng gabi ang muling tapatan ng Bolts at ng Katropa na patas ngayon sa 1-1, matapos bumawi ng Bolts sa natamong 94-103 kabiguan sa Katropa noong Game 1 sa pamamagitan ng 114-94 na paggapi nila sa TNT sa Game 2.

Naniniwala ang Bolts partikular si import Allen Durham na umiskor ng triple double 44 puntos, 19 rebounds at 11 assists noong Game 2 na ang kanilang depensa ang susi sa naging panalo kaya naman lalo pa nilang pahihigpitin ito.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“Obviously, the way we played defense on Game One was not gonna get us to where we wanna go. We had to come out and be more physical, be more aggressive on them,” ani Durham.

Sa kabilang dako, sapat na suporta naman mula sa kanilang mga locals ang kinakailangan ng TNT para kay import KJ McDaniels na halos mag-isang binalikat ang offensive load ng Katropa noong Game 2 kung saan nagtala ang dating NBA cager ng game-high 51 puntos, rebounds, 6 blocks, at 3 assists.

Bukod dito, naniniwala rin silang kailangan nilang dumipensa ng ayos upang makamit muli ang panalo.

“Defense. We got to play defense,” ani McDaniels. “We got to make them miss shots instead of hoping they miss.We just have to get better.”

“That’s all we can do — get better. Accept this loss and come better prepared next game.”

-Marivic Awitan