MORE than two years na ang first teleserye na ginawa ni phenomenal star Maine Mendoza, ang Destined To Be Yours with favorite love team, Pambansang Bae Alden Richards, sa GMA Network, pero mukhang iyon na ang magiging first and last telserye niya. Hindi kasi nababago ang sagot ni Maine kapag tinanong siya kung gagawa siya muli ng teleserye, nang makausap siya sa mediacon ng bago niyang movie, ang family comedy na Mission Unstapabol: The Don Identity, hindi na raw talaga. Simple lamang naman ang sagot ni Maine.
“Hindi ko po kasi talaga kaya ang halos araw-araw na taping na nagsisimula sa umaga at natatapos nang umaga na muli,” paliwanag ni Maine. “Siguro po, sinubukan ko lamang sa first teleserye na ibinigay sa amin ni Alden ng GMA, pero mahirap po pala talaga. Nagkataon pa naman na on location kami. Maganda sana dahil ibang lugar naman hindi sa studio lamang ang taping, pero mahirap po kapag umuulan na, sa Dolores, Quezon. Kaya pagkatapos po ng serye, hindi na ako tumanggap muli.
“Gagawin ko po naman kahit anong i-offer nilang project, basta hindi lamang teleserye. Like po sa movie shootings, hindi naman araw-araw, may cut-off din kami sa oras. Okey po sa akin ang sitcom naming Daddy’s Gurl dahil once a week lamang ang taping namin, ganoon din sa iba pang TV guestings ko sa GMA, like sa Daig Kayo Ng Lola Ko na ginagawa ko ngayon as their Christmas presentation, one day lamang ang taping namin. Ganoon din po sa TV commercial shoots, madalas one day shoot din lang.”
Sa movie nga naman, mahaba ang oras na ibinibigay sa isang pelikula, tulad nga ng entry nila na Mission Unstapabol: The Don Identity.
“Thankful ako kay Bossing Vic Sotto dahil binigyan naman niya ako ngayon ng bagong character sa movie bilang si Donna/Claire na isang misteryosang master computer hacker, seryosong lagi at laban kung laban kapag napasubo na siya. Na-excite po talaga ako nang malaman kong ganito ang character ko, wala rin akong ka-love team at first time na hindi kami gumanap na mag-ama ni Bossing. Salamat din sa lahat ng mga nakasama ko sa cast dahil very supportive nila sa akin. Magkita-kita po tayo sa sinehan nationwide simula po sa December 25.”
Mga kasama rin ni Maine sa movie sina Pokwang, Jake Cuenca, Jose Manalo, Wally Bayola, Jelson Bay. May special participation sina Tonton Gutierrez, Max Collins, Lani Mercado, Clint Bondad, Pekto, Dino Pastrano at si Sarah Labhati. Sa direksyon naman ito ni Mike Tuviera at produced ng APT Entertainment at M-Zet Productions.
-NORA V. CALDERON