MAKALAPIT sa inaasam na finals berth ang tatangkain ng Talk ‘N Text Katropa sa muli nilang pagtutuos ng Meralco sa Game 2 ng kanilang best-of-5 semifinals series para sa 2019 PBA Governors Cup.

NAPASIGAW sa labis na kasiyahan si TNT import KJ McDaniels matapos makumpleto ang three-point play, habang larawan ng pagkadismaya si Meralco import Allen Durham sa kainitan ng laro sa Game 1 ng kanilang PBA best-of-five semifinal series.  (RIO DELUVIO)

NAPASIGAW sa labis na kasiyahan si TNT import KJ McDaniels matapos makumpleto ang three-point play, habang larawan ng pagkadismaya si Meralco import Allen Durham sa kainitan ng laro sa Game 1 ng kanilang PBA best-of-five semifinal series. (RIO DELUVIO)

Matapos ang kanilang ipinosteng 103-94 na panalo sa Game 1, hangad ng Katropa na makamit ang 2-0 bentahe sa serye sa pakikipagtuos sa Bolts ganap na 7:00 ng gabi sa Araneta Coliseum.

Muling sasandigan ng Katropa ang pamumuno ni import KJ McDaniels na umiskor ng game-high 38 puntos, 14 rebounds, 3 assists at 3 ring blocks sa Game 1.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ngunit, kahit nakauna sa serye, wala pang dahilan upang magdiwang ang TNT ayon sa kanilang coach na si Bong Ravena.

“Nothing to celebrate. Game 1 lang iyan, mahaba pa series.”

Para sa TNT mentor, kinakailangan nilang mapigil si Bolts import Allen Durham upang palakasin ang kanilang tsansang manalo.

“We have to find ways to stop Durham. Iyan problema namin so gagawan pa namin paraan. Kailangan mo siyang ano talaga... ma-limit score niya,” aniya.

“If we can stop Durham mas easier para sa amin. We have to make stops, especially sa kanya.”

Sa kabilang dako, sisikapin naman ng Bolts na pag ibayuhin pa ang kanilang depensa partikular kay McDaniels na isinalansan ang 32 sa kanyang kabuuang 38 puntos sa huling tatlong periods sa Game 1 ng series.

Humirit si Allen Durham sa Game 1 ng 32 puntos para sa Bolts, ngunit sa bawat pagtatangka niyang maigapay ang koponan, may ganting opensa si McDaniles.

Nag-ambag sina Allein Maliksi ng 15 puntos at Chris Newsome na may 14 puntos para sa Bolts.

Iskor:

TNT (103) – McDaniels 38, Pogoy 18, Castro 17, Parks 11, Rosario 11, DiGregorio 8, De Leon 0, Reyes 0, Williams 0, Vosotros 0, Taha 0.

Meralco (94) – Durham 32, Maliksi 15, Newsome 14, Amer 9, Caram 9, Hodge 5, Jackson 3, Quinto 3, Faundo 2, Almazan 2, Pinto 0.

-Marivic Awitan

Laro Ngayon

(Araneta Coliseum)

7:00 n.g. -- Meralco vs TNT