FOLLOW-UP ito sa nasulat namin dito sa Balita kahapon tungkol sa pagpirma ni 2018 Miss Universe Catriona Gray ng kontrata sa ABS-CBN Books nitong Huwebes ng hapon para sa ilalabas niyang libro sa unang quarter ng 2020 na may titulong Conquering Your Universe.

catriona

Kasamang pumirma ni Catriona si Mr. Ernie Lopez, Presidentat CEO ng ABS-CBN Publishing Inc.; ABS-CBN Books Head, Mark Yambot, Cornerstone Talent Management Vice President Jeff Vadillo at Cornerstone Talent Management President and CEO, Erickson Raymundo.

Tulad ng nasulat namin dito sa Balita ay ang Cornerstone na ang nangangasiwa ng career ni Catriona pagkatapos ng termino niya bilang 2018 Miss Universe.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Kaya napiling Conquering Your Universe ang titulo ng unang libro ng magandang Binibini ay dahil gusto niyang i-share sa lahat ng natutunan niya sa lahat ng taong nakasalamuha niya.

“It’s a collection of lessons that I’ve learned from the past couple of years I feel really allowed me to achieve what I did, things that I learned from a personal perspective, things that I learned in regards to dealings or learning from others and also rippling about. I want it to be relatable it’s not just about pageantry. This lessons can be applicable to anyone from whatever walk of life. Something to contribute to the community,” pahayag ni Catriona.

Bukod sa librong ilalabas sa ABS-CBN books ay nakatakda ring maglabas ng album ang dalaga na pawang original songs, base sa kuwento sa amin ng Bise Presidente ng Cornerstone na si Jeff.

“It’s all original songs, so mga 2nd quarter of 2020 pa ‘yun, unahin muna ang libro,”sabi sa amin.

Sabi nga ni Cat (palayaw ng dalaga), “I’ll definitely pursuing my love for music, and hoping to give you all some new music next year.”

At dahil partly showbiz na rin ang career path ni Catriona dahil may mga hosting stint na rin siya ay nabanggit na may offer ding teleserye sa kanya at isa rin ito sa paghahandaan niya dahil hindi niya forte ang pag-arte.

Kaya tinanong namin ang dalaga kung sino sa mga guwapong artistang lalaki ng ABS-CBN ang gusto niyang maka-partner.

Natawa muna si Catriona, “it’s always a question of height ‘no? Ha, ha, ha. Kasi 5’10 ako, but I feel that I don’t have a lot of experience in acting so I would really want to be given the opportunity to learn from seasoned actors. And honestly, I’m not very particular naman po, because I need more experience.”

Hirit namin kung okay sa kanya si Sam Milby.

“Well at least I know him from church. So I wouldn’t mind, ha, ha, puwede.” Masayang sagot ng ating beauty queen.

Matatandaang nali-link sina Catriona at Sam kaya natanong namin ito pero dahil bago magsimula ang digicon ay nabanggit ng no personal questions kaya wait na lang natin kung ano ang update sa parehong talent ng Cornerstone.

-REGGEE BONOAN