NAKAHIRIT ng isang ginto at isang silver ang Philippines Shooting Team sa huling araw ng kompetisyon nitong Martes sa 30th Southeast Asian Games sa Ilanin forest sa Subic.

Naitala ng men’s trap team nina Carlos Carag, Eric Ang at Alexander Topacio ang iskor na 23-24-24-20-24 para sa five round total 338 at angkinin ang gintong medalya – tanging ginto na naiambag ng shooters sa 149 gold medal ng Team Philippines para sa overall championship.

Ginapi nila ang Malaysia na binubuo nina Bernard Yeoh, Ong Chee at Chen Foo sa naiskor na 330 puntos, habang bronze medal sa Thailand na binubuo nina Savate Stresthporn , Yodchai Phachonyut at Kornthawat Thadtongcam ng Thailand (321).

Sa pagbabalik sa aksiyon sa men’s Trap (shotgun), nasungkit ni Carag ang silver medal tangan ang 41 puntos sa likod ni Thailand’s Savate Sresthaporn (44). Nakamit ni Ong Chee ng Malaysia ang bronze (34).

Angelica Yulo, proud na ibinida hakot awards na 'Golden Boy' anak na si Eldrew

Nauna nang kumabig sa shooting competition sina Navy Lt. Commander Marly Martir na nagwago sa women’s WA 1500 PPC Individual at nanguna sa Team competition.

Nakuha ng Indonesia ang overall championship tangan ang kabuuang pitong ginto, anim na silver at dalawang bronze.

-Annie Abad