PALAISIPAN sa amin ang hindi na pagdalo ng kilalang aktor sa events ng kilalang beauty products na isa siya sa endorser, tinanggal na ba siya?

Huli naming nakita ang kilalang aktor na dumalo sa pa-event ng nasabing beauty product ay nu’ng i-launch ang lahat ng talents ng isang management company kung saan kabilang siya.

Dati-rati naman kasi ay laging present ang kilalang aktor kasama pa ang asawa na super-close sa may-ari ng ini-endorsong produkto kapag magbubukas ito ng bagong store.

Imposibleng tinanggal na ang kilalang aktor bilang isa sa endorser gayung isa sila sa malakas magbenta kasama ang asawa.

Blind Item

Tsinuging aktor sa serye nag-fly sung daw sa ibang bansa, may iniiwasang kaso?

Anyway, may kinalaman kaya ang hindi na pagpunta ng kilalang aktor sa events ng beauty product sa kinakaharap nitong problema ngayon na malaking halaga ang involved.

-Reggee Bonoan