GINAGAMIT kaya ng upcoming male star ang kilalang aktres na kahihiwalay lang sa boyfriend niya para mapansin siya?

Produkto ng reality show ang upcoming male star at nang makausap siya ng media ay sinabi niyang type na type niya ang kilalang aktres at gusto niyang makasama sa project dahil nagagalingan siya.

Wala namang masama na mangarap ang upcoming male star na makasama niya ang kilalang aktres dahil puwede naman siya bilang suporta, pero ang gusto ng binata ay siya ang leading man? Agad-agad hindi ba puwedeng supporting role muna like puwedeng kaibigan o kapatid ng aktres?

Ang taas ng pangarap ng upcoming male star, sabagay, libre naman ang mangarap, why not? Kaso kung ipapareha siya sa kilalang aktres, e, baka matabunan siya, sabi nga ng una, mahusay umarte ang dalaga.

Blind Item

Tsinuging aktor sa serye nag-fly sung daw sa ibang bansa, may iniiwasang kaso?

Wala pang experience sa pag-arte ang upcoming male star at higit sa lahat, ayusin muna niya ang speaking voice niya.

-Reggee Bonoan