NAKAPASANG R-13 ang pelikulang The Annulment base sa ibinigay ng Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB kaya naman ang saya-saya ng mag-inang producers na sina Mother Lily at Ms Roselle Monteverde kasama na rin ang direktor na si Mac Alejandre.
Sabagay, wala namang ibang ipinakitang kalaswaan sa maiinit na lovescenes nina Joem Bascon at Lovi Poe kahit may butt exposure ang aktor.
Pero para kay Rhian Ramos ay hindi siya handa sa nakita niya pero nagandahan siya sa sexy scenes nina Joem at Lovi.
Aniya, “Medyo hindi ako prepared sa mga nakita ko tonight, nagulat ako sa mga sexy scenes kasi grabe sexy talaga. Kasi most of the time kapag nakikita ko ‘yung trailer, e, feeling ko nakita ko na lahat, hindi marami pa kayong aabangan sa movie, grabe ‘yung dramahan nahirapan ako for the actors. Grabe ‘yung mga eksena na ito, mahirap siyang i-act, so ang gagaling nila.”
Kaya siguro nagulat si Rhian sa mga lovescene nina Joem at Lovi ay dahil hindi pa siya nakagawa ng ganu’n klaseng pelikula.
May love scene sila ni JM de Guzman sa pelikulang Kung Paano Siya Nawala pero hindi naman kasing tindi at init ng mga eksena sa The Annulment.
Pinuri rin ng GMA star ang galing sa pag-arte nina Joem at Lovi, “ang natural nila and I could feel na sobrang kumportable nila sa isa’t isa kudos to them na walang ilangan those weren’t easy scenes.”
Tiyak na maraming makaka-relate na mag-asawa o magkarelasyong nakaranas magpa-annul ng kanilang kasal.
“It’s a relatable story lalo na dito sa Pilipinas. I think maraming mga taong familiar sa ganitong klaseng sitwasyon,” saad ni Rhian.
Samantala, kasama ng aktres ang kanyang Israeli boyfriend sa nakaraang Celebrity screening ng The Annulment na ginanap sa SM Megamall Cinema 7 nitong Lunes handog ng Regal Films.
As of this writing ay wala pa kaming balita kung kumusta ang resulta sa unang araw ng pagbubukas nito sa mga sinehan kahapon.
-REGGEE BONOAN