NAG-RENEW kahapon ng kanyang kontrata sa BeauteDerm si Marian Rivera, kaya tuloy ang aktres sa pagiging isa sa endorser at image model ng company ni Ms. Rei Ramos Anicoche-Tan. Sa presscon/renewal niya ng kontrata, malalaman natin kung anong produkto ng BeauteDerm ang i-e-endorse ni Marian.

Marian- nitz

Samantala, tumutulong si Marian sa Yes Pinoy Foundation na pinamumunuan ng asawang si Dingdong Dantes sa pangangalap ng donations para sa biktima at survivors ng mga lindol sa Mindanao.

Post ni Marian: “DAMAYANGPINOY PARA SA MINDANAO. Nangangalap kami ng tulong para sa mga naapektuhan ng lindol at ipo-ipo sa Mindanao. Sa mga panahong tulad nito ay higit na kailangang magbayanihan at magdamayan ang lahat.

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

You may bring your donations (food relief and toiletries) to the YesPinoy Foundation Office or transfer/deposit in-cash support to

Maaaring makipag-ugnayan sa YesPinoy Foundaion sa kanilang social media accounts at sa 09277434234.”

Samantala, mukhang tuluy-tuloy na nga ang pagbabati nina Marian at ng former manager niyang si Popoy Caritativo. Pinost ni Marian ang ipinadalang spaghetti ni Popoy na balitang-balita sa sarap.

-NITZ MIRALLES