TINATAYANG pinakamalaking edisyon sa kasaysayan ng Southeast Asian Games ang nalalapit na hosting ng bansa ngayong darating na 30th edisyonnito sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

Ayon kay Philippines SEA Games Organizing Committee (PHISGOC) chairman at House Speaker Allan Peter Cayetano na ang nalalapit na hosting ang siyang pinakamalaking event na dapat abangan ng buong bansa.

Ang nasabing edisyon ng SEA Games, ngayong taon ay magkakaroon ng 56 sports na kinapapalooban ng 530 events, na may kasamang 44 venues sports at walong non-venues sports o mga hindi kasama sa kompetisyon na mga venues, gaya ng Media Center, Headquarters at iba pa, bukod pa sa pinaka-aabangang eSports.

“This is the biggest in the history of SEA Games terms of games and events. Hopefully it will be the most watched event too,” pahayag ni Cayetano.

5th death anniversary ni Kobe Bryant, inalala ng fans

Ayon sa kanya malaking pasabog din sa nasabing edisyon ang pagbubukas ng mga laro ng eSports na dati ay isang libangan lamang ng mga nakararami, ngunit ngayon ay kabilang na rin sa mga medal sports ng biennial meet.

“With 680 million Southeast Asians, 300 millions are fond of watching eSports games sa Southeast Asia pa lang ‘yun. 2.2 billions are playing it all over the world so it would really be a big event,” ayon pa kay Cayetano.

Halos handa na nga ang lahat para sa hosting naturang 11-nation meet, maging ang 9000 volunteers na kasalukuyang sumasailalim sa training kung kaya asahan na ang mga ilang pagtatanghal na may kaugnayan sa nasabing hosting.

-Annie Abad