ISA si Hashtag Kid Yambao sa anak-anakan ni Vice Ganda kaya saksi siya kung paano minamahal ni Ion Perez ang TV host at botong-boto siya sa binata.

Vice at Ion

Kuwento ni Kid sa ginanap na presscon ng pelikulang Two Love You kamakailan sa Play Hub Events Place.

“Sobrang saya ko sa kanila kasi, iyon nga, umamin na sila sa wakas. Kasi, matagal ko nang tinatanong kay Meme Vice noon na, siyempre, anak-anakan ako, ‘Ma, sino ba talaga ang tatay ko?!’ Ganoon.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Wala siyang maisagot, e. Ayaw niyang sabihin. ‘Sa tamang panahon. Sa tamang panahon.’ Ayun. Iyon pala, andiyan na ang tatay namin,” bungad ni Kid.

Nabanggit din na bago pa naging magkarelasyon sina Vice at Ion ay kaibigan na ni Kid si Kuya Escort.

“Bago pa lang si Ion sa Miss Q&A noon, palagi siyang mag-isa. Mag-isa siya sa dressing room. Ako kasi, doon ako tumatambay, e. Sa mga dressing room ng mga stylist, ng mga bading! So, palagi ko siyang nakikita, ‘Oy!’

“Ako sa Hashtags ang unang kumausap kay Ion. Hanggang sa isinasama ko siya sa laro, sa basketball,” kuwento pa.

Dagdag pa, “Hindi ko nakita iyong lolokohin niya ang nanay ko.”

Humanga si Kid sa pag-amin ni Ion, “I was so happy. Kasi, bihira iyong ganoon, sa generation ngayon. Sila lang.”

Anyway, may hawig ang kuwento ng pelikulang Two Love You sa pagmamahalan nina Ion at Vice, dahil si Kid ay nagkagusto kay Lassy.

Mapapanood na ang Two Love You sa Nobyembre 13 mula sa Lonewolf Productions at Viva Films at magkakaroon ng premiere night sa Nobyembre 10 sa SM Megamall Cinema 1.

Bukod kina Lassy at Kid ay kasama rin sina Yen Santos, Arlene Muhlach, MC Calaquian, at Dyosa Pockoh mula sa direksyon ni Benedict Mique.

-REGGEE BONOAN