UMERE na kagabi, Oktubre 23 ang iWant docu series nina Robi Domingo at Sue Ramirez na may titulong Unlisted kung saan ang mga lugar na napuntahan na nila ay ang , Tanay, Rizal, Taytay Rizal, Baras, Rizal, Capiz, Roxas City, Basey, Samar, at Escolta, Manila na hindi alam ng marami na maraming tourist destination doon.
Ayon kay Sue, “hindi namin alam na ganu’n po pala kaganda ang mga lugar na napuntahan namin tulad nga nitong Rizal, hindi namin alam na may ganu’n mga lugar na nakatago, hidden gems of each city that we went to, each province na napuntahan namin kaya nagulat kami at I’m sure kapag napanood ito ng mga tao, I’m sure magugulat din sila sa makikita nila.”
Si Robi naman, “of course when you go to a place, you have a certain expectation lalung-lalo na kapag nag-research ka sa isang lugar, pero iba ‘yung makikita mo sa internet, iba ‘yung mararamdaman mo kapag nandoon ka na, iyon ang isa bagay na gusto kong sabihin sa manonood ng Unlisted, it’s one thing to look at one place and have those different stigma na kaakibat tulad nitong Rizal na nagulat kami sa mga nakita namin. It’s just a few minutes away from the city and you can reconnect with your soul sa lugar na. I’m inviting everyone to promote and go to Rizal as well.”
Sundot na tanong kay Robi na dating may travel show na Lakwatsero ay ano ang pagkakaiba nito sa Unlisted.
“Unlisted po kasi we go to different places with those kind of stigma, may mga misconception tulad ng Rizal na ito raw ‘yung pugad ng mga NPA (New People’s Army), sa Capiz naman may mga aswang. So, ‘yung mga ganu’n na gusto naming i-break ‘yung myth sa mga tao.
“‘Yung Lakwatsero naman po, we go to popular places kung saan-saan, it could be local, it could be international, but for this one, we gonna go for local muna to promote the perfect tourism for the Philippines,”paliwanag ng TV host.
Ang target audience ng Unlisted ay ang millennials at dahil ipinalalabas ito sa iWant ay gusto rin nilang i-target ang world market.
At kaya ang probinsyang Rizal ang initial episode ng Unlisted, “actually, when went on board nakakasa (nakaplano) na po ‘yung places na pupuntahan.”
Ang paliwanag naman ng Executive Producer ay, “kaya po Rizal kasi ito po ang pinakamalapit sa Metro Manila na hindi natin masyadong binibigyan ng atensyon like tayong taga-Manila kapag nagbakasyon, mas gusto nating pumunta ng Boracay, Bohol, Cebu, pero dito sa City, less than a hour ride, mayroon ng lugar na puwede nating i-enjoy. At kapag napanood ang show (Unlisted) ay puwedeng idagdag sa bucket list natin, tanggalin natin sa pagiging unlisted kasi maganda at maraming puwedeng puntahan gaya nitong sa Rizal.
Samantala, tinanong namin kung unang beses ni Sue na mag-host ng isang travel show, “opo, pero before I’ve worked with Robi sa ASAP Chill Out. Nagulat din po ako nu’ng i-offer ito sa akin with Robi because I didn’t expect na ako ‘yung napili ng management to do the show. Kaya thankful po ako at least nabe-venture out ko na ‘yung mga gusto ko pang gawin sa career ko like hosting na sobrang inspired ako kay Robi kasi nakita kop o ‘yung growth na nagka-trabaho kami 9 years sa Shoutout (2010) tapos host na siya no’n at naisip ko sa sarili ko na gusto ko ring gawin (hosting), and finally I’m doing it with him and it’s a big thing for me.”
Dagdag naman ni Robi, “let me tell you something about Sue na alam naman po nating lahat na she’s beautiful, she’s charming and she has the brains to do it. She gets talk to people about sensible stuff and when explains, when she expounds into Tagalog, English and in Korean, alam na alam ng lahat, makaka-relate po na fit si Sue in this kind of show.”
Dagdag katanungan din namin kung ano ‘yung challenge nila sa mga lugar na pinuntahan nina Robi at Sue.
“Because of that specific date na kailangan naming mag-travel ng by land, by air at sea kami. So isang buong araw kaming nag-travel ni Sue. And it’s a true story ha, one of the things I regret is captioning the moments that happened to us.
“Umalis po kami ng Manila papuntang Cebu ng 11PM kasi walang flight diretso papuntang Samar,” kuwento ni Robi.
“And from Cebu, nagbarko kami to Leyte and nag-land travel kami from Leyte to Samar. Tapos pagdating namin, quick change lang wala ng pahi-pahinga nag-work na kaagad kami ni Robi, so feeling ko ‘yun ang pinaka-challenge sa mga pinuntahan namin, magtrabaho ka ng buong araw tapos wala kang pahinga,” say naman ni Sue.
Bakit kinakailangan ding mag-travel ng isang tao at paano ito nakakatulong sa mental health.
“I think sa araw-araw na pare-pareho ang ginagawa natin, it’s very refreshing for our soul and mind to see something else, so see something different, to get out the usual na araw-araw na nga nating ginagawa at nakikita.
“For me pag nagta-travel ako, hindi ako pumupunta sa (tourist destination), never pa ako nag-Palawan, nag-Boracay, I usually go to places na hindi puntahan talaga ng tao ‘coz that’s where I get to discover different culture.
“Kasi kapag pumunta ka sa mga known spots, makikita mo ro’n mga taga-Manila, so mas makikilala mo ang sarili mo kapag nakihalubilo ka sa mga taong hindi mo nakikita o nakakasama sa araw-araw. Iyon ang para sa akin kaya importante for mental health, very refreshing, to get something different, take a break for a while,” magandang katwiran ni Sue.
“Ako for experiences, I guess. Kasi when you keep doing something na, medyo naapagod ‘yung utak mo, so we’re offering places na hindi karaniwang pinupuntahan and you have more stories to share, when your mind is at ease maybe nale-lessen ‘yung sa work,” paliwanag naman ni Robi.
-Reggee Bonoan