PASOK ang Pujada Bay sa Mati City, Davao Oriental, sa “Most Beautiful Bays in the World” (MBBW).

Sa isang pahayag nitong Linggo, ibinahagi ng Davao Oriental Provincial Information Office (PIO), na ang pagkilala ay ibinigay ng Club of the Most Beautiful Bays in the World sa idinaos na 15th World Bays Congress sa Toyama Prefecture, Japan, na ginanap noong Oktubre 16-20

Binubuo ang delegasyon ng Davao Oriental, ng provincial governor’s office chief-of-staff Ednar Dayanghirang at Environment and Natural Resources Office (ENRO) Officer Dolores Valdesco, na kumatawan kina Gov. Nelson Dayanghirang at City Environment Officer Eddie Cobacha bilang kinatawan ni Mati City Mayor Michelle Rabat.

Iprinisinta ng grupo ang Pujada Bay application para makalahok sa club sa naging kongreso.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Matapos ang iniyal na pag-apruba sa aplikasyon, sinabi ng PIO, na nakatakda nang bumista ang mga eksperto mula MBBW sa probinsiya upang magsagawa ng ground assessment at balidasyon sa Pujada Bay.

“The ground validation is the first official act of MBBW to visit new approved members to see what we told them, prior to induction next year for the 16th World Congress in Morocco,” ani Dayanghirang.

Ikingalak naman ni Gov. Dayanghirang ang naging pagbabago, na aniya’y, higit pang magsusulong sa estado ng Mati City at Davao Oriental sa world-class tourist destinations.

Umaasa rin si Dayanghirang na magreresulta ang pagpasok ng Pujada Bay sa MBBW para sa mas marami pang inisyatibo na layong magprotekta sa mga aniyong tubig.

Samantala, sinabi naman ni Mati City Mayor Michelle Rabat na ang ground validation ay isang malaking pagsubok para sa mga lokal na opisyal, lalo’t kapag nakumpirma ito, inaasahang magdudulot ito ng pagtaas ng bilang ng mga turista.

Taong 1996 nang magsimula ang club na may konseptong pagsama-samahin ang mga pinakamagagandang look sa mundo.

Kabilang naman ang Pilipinas sa 26 na miyembrong bansa ng club, kasama ang Puerto Galera Bay bilang nag-iisang look sa bansa na kasama sa official MBBW list.

PNA