ANG daming budget ng engaged couple na sina Rodjun Cruz at Dianne Medina para sa December 21 wedding nila. Tingnan n’yo naman, sa Manila Cathedral ang church wedding nila, sa Sofitel ang reception at ang prenup shoot ay ginawa sa Cappadocia, Turkey.

Rodjun at Dianne

Kahit sabihing may ex-deal ang dalawa sa shoot ng Nice Print, gumasta pa rin sina Rodjun at Dianne. In fairness, ang gaganda ng photos ng dalawa, kakaiba sa prenup video na napanood na namin.

Naalala namin ang sinabi ni Rodjun sa presscon ng One of the Baes na pinag-ipunan nila ni Dianne ang kanilang kasal at kaya sila masipag magtrabaho para matupad ang gustong wedding.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Nabasa pa nga namin ang post ni Dianne na two days after the wedding, ready na uli siyang magtrabaho at kahit nga naghahanda para sa kasal, tumatanggap na siya ng bookings.

Ang ikinalulungkot lang ni Rodjun at Dianne, hindi na masasaksihan ng mom ni Rodjun ang kasal nila ni Dianne dahil pumanaw na nga ito last January of this year. Kasama pa naman nila ang mom niya sa pagpaplano ng kanilang kasal.

-Nitz Miralles