BATTLE rounds of Vanjoss, JayRome and Renz of Team Sarah in Anytime You Need A Friend sa The Voice Kids 4 nito lang weekend. Si Vanjoss from Pangasinan ang unang tinawag ng host na si Toni Gonzaga, sunod ang Jukebox brother ng Negros Oriental na si JayRome then ang pursigidong kontesero from Cebu na si Renz at pagkatapos silang inintroduced ay agad sinabi ni Toni ang mga katagang… “Let the battle begins!” ang boom, nagpasiklaban nga ng kani-kanilang style of singing voice ang tatlong bagets at pagkatapos ngang ibigay ng tatlo ang kanilang da best of the best singing voice ay nagsabin si Toni na..”Ok, mukhang mahihirapan ang iyong Coach Sarap sa pagpili sa inyong tatlo, ah.” Sabay focused ang camera kay Sarah na tipong nangingiti lang kaya bago ito hiningan ng comment ay si Coach Lea Salonga muna ang nagsalita.

“Unang-una congratulations sa inyong tatlo…magagaling kayo! Ang sa akin lang kasi ang pinagsama ay tatlong lalakeng bumibirit. Pinapakinggan ko lahat ng mga notang kinakanta nyo…lahat ng matataas naaabot naman nyo…so lahat naman kayo impressive…so kanino ako mas naniwala sa kuwento ng kanta…so for me, with this battle ang pipiliin ko ay si Renz.” Kaya hiyawan ang family ni Renz.”

Ang comment naman ni Coach Bamboo: “Good job boys…parang ang ginawa nyo parang battle of testers choice, eh. So parang sinong pinaka-tasteful sa inyong tatlo na pumili ng ruta sa kantang ito sa daming puwedeng gawin nga, eh. So ako, ang pipiliin ko..si Renz din.”

How about Coach Sarah?

Tsika at Intriga

Olats sa politika: Luis, nagtanong alin sa shows niya trip ibalik ng netizens

“Kahit sino sa inyo talagang deserving magpatuloy sa competition na ito. Vanjoss napaka-powerful ng ginawa mo magmula nu’ng blind audition…si JayRome naman meron siyang unique na sound…na siya lang yon, eh at may mga pinakawalang pa siyang mga grawls, wow…pero parang mahiyain itong si JayRome…nag-iba siya dito sa performance niya..Si Renz naman, nangingibabaw yung emotion na inilagay mo sa iyong pagkanta..ngayon, ano ka ngayon, Coach Sarah, hahahaha! Patay ka ngayon, hahaha!” sabi nito at naging palaisipan tuloy sa amin kung sino ang kanyang pinili sa tatlo.Tipong nahirapan ata siyang pumili na talaga namang kay gagaling na mga bagets sa Day Four Battles ng TVK4. Yun na!

So wait na lang natin ang nalalapit na final battle ground of The Voice Kids Season 4 sa weekends primetime.

-Mercy Lejarde