TAMANG player si Juan Gomez de Liano, para sa tamang pagkakataon para sa University of the Philippines.

NAGAWANG makaiskor ni Kobe Paras ng UP Maroons sa depensa ng La Salle Green Archers. RIO DELUVIO

NAGAWANG makaiskor ni Kobe Paras ng UP Maroons sa depensa ng La Salle Green Archers. RIO DELUVIO

Naisalpak ni Gomez De Liano, isa sa pinakamatikas sa outside shooter sa collegiate league, ang three-pointer  mula sa sariling interceprion sa pasa ni La Salle forward Aljun Melecio sa huling 7.8 segundo para makumpleto ang matikas na paghahabol tungo sa makapigil-hiningang 72-71 panalo nitong Miyerkoles sa UAAP Season 82 men's basketball tournament sa MOA Arena.

National

VP Sara, nag-react sa impeachment complaints laban sa kaniya: ‘Finally, na-file na!’

"Juan is always a winner," pahayag ni UP coach Bo Perasol. "I didn't have any doubt in my mind when he was bringing down the ball that he was going to make that shot,” aniya patungkol kay De Liano na tumipa ng 10 puntos at limang rebounds.

Nakipagbuno ang Fighting Maroons para makabangon mula sa 13-puntos na kalamangan ng Archers at maidikit ang iskor sa 59-52 tungo sa final period. Isa pang 9-2 run ang pinakawalan ng UP  sa final period para maitabla ang iskor sa 61-all  may 8:12 sa laro.

Nanguna si Kobe Paras sa ratsada ng Maroons sa naiskor na 21 puntos mula sa 13-of-14 clip, dalawang rebounds, at dalawang steals.

Nag-ambag si Bright Akhuetie ng 17 puntos, 14 boards, tatlong assists, dalawang  two steals, at dalawang blocks para sa ikaapat na sunod na panalo ng UP at maisaayos ang karta sa 5-1.

"My team is just like leading a chariot with wild stallions. One goes to the right, one to the left, one to the middle, but come winning time, they get their acts together. We get the win, what can I say?," pahayag ni Perasol.

Nakaamba na ang tagumpay sa La Salle matapos sumirit sa bentahe kabilang ang 71-69 sa huling dalawang minuto.

Ngunit, nagpakatatag ang Maroons at  inalat sina Jamie Malonzo sa free throw at Melecio sa huling opensa ng La Salle na naging daan sa kabayanihan ni Gomez de Liano.

May huling pagkakataon pa ang Archers na maagaw ang panalo, ngunit sumablay sina  Andrei Caracut at Joaqui Manuel sa kanilang pagtatangka.

Kumubra sina Caracut at Melecio ng tig-16 puntos para sa La Salle na bumagsak sa 2-4.

Iskor:

UP (72) -- Paras 21, Akhuetie 17, Ju. Gomez de Liano 10, Rivero 9, Manzo 5, Tungcab 5, Webb 3, Jaboneta 2, Gob 0, Ja. Gomez de Liano 0, Murrell 0, Prado 0, Spencer 0.

DLSU (71) -- Caracut 16, Melecio 16, Baltazar 13, Bartlett 8, Malonzo 7, Manuel 5, Serrano 4, Lojera 2, Bates 0, Cu 0.

Quarterscores: 14-18, 29-36, 52-59, 72-71.