NAISALBA ng Adamson ang matikas na pagbalikwas ng Ateneo , 68-58, sa UAAP Season 82 Women’s Basketball Tournament nitong Miyerkoles sa UST Quadricentennial Pavilion.

Hataw si league top-scorer Mar Prado sa naiskor na 28 puntos, 14 rebounds, dalawang assists, at dalawang steals para sa Lady Falcons.

Pinangunahan ni Prado ang opensa ng Adamson para sa 18- point na bentahe, 55-37, tungo sa final period.

Nakadikit ang Ateneo sa 55-48 mula sa opensa ni Boom Moslares para sa 55-48.

Pambansang Kamao Manny Pacquiao, nag-senti? Ilang netizens, todo-comfort!

Naglaro ang Adamson na wala si coach Ewon Arayi, nasuspinde ng isang laro matapos mapatalsik sa laro kontra La Salle nitong Sabado.

“Nakaka-pressure po siya,” sambit ni Prado. “Pero sila coach Darren [Torre] po and yung ibang coaches po namin, ginampanan po nila yung work ni coach Ewon.”

Nag-ambag si Kat Araja na may siyam na puntos, limang rebounds, apat na assists at dalawang steals, habang kumana sina Ornopia at Jass Catulong ng tig-walong puntos.

Bagsak ang Lady Eagles sa 2-4.

Sa pamumuno ni Grace Irebu, nakabawi mula sa malamya nilang panimula ang University of Santo Tomas at napataob ang University of the East, 58-49.

Nagsalansan ang Congolese center ng 24 puntos at 16 rebounds upang ibangon ang Golden Tigresses na nalimitahan lamang hanggang apat na puntos sa first period.

“I talked to Grace that she needed to be stronger in the inside versus UE. Nagdeliver naman siya,” ani UST coach Haydee Ong.

Tinapos ni Irebu ang inilatag na 8-0 run ng UST upang maiposte ang 10-puntos na kalamangan, 54-44, may 2:07 natitirang oras sa laro.

Sa ikatlong laro, pinadapa ng Far Eastern University ang University of the Philippines, 73- 67, para sa ika-4 na panalo.

Hindi pinaiskor ng Lady Tamaraws sa first period ang Lady Maroons, 21-0 na umabot pa hanggang 26-0 bago humabol ang UP at ginawang dikdikan ang laro.

Pinangunahan ni Valerie Mamaril anh panalo sa itinala nitong 14 puntos, 3 rebounds,2 assists at isang steal.

-Marivic Awitan

Iskor:

(Unang Laro)

ADAMSON (68) -- Prado 28, Araja 9, Ornopia 8, Catulong 8, Bilbao 4, Anticamara 4, Dampios 4, Balane 2, Flor 1, Tandaan 0, Dumelod 0, Dela Cruz 0, Ea. Alaba 0, Ei. Alaba 0.

ATENEO (58) -- Yam 17, Chu 10, Villamor 9, Guytingco 9, Moslares 5, Joson 4, Cancio 2, Payac 2, Villacruz 0, Newsome 0, De Dios 0, Aquisap 0.

Quarterscores: 18-10, 37-24, 55-37, 68-58.

(Ikalawang Laro)

FEU (73) -- Mamaril 14, Castro 12, Villanueva 11, Bahuyan 9, Payadon 7, Vidal 6, Jumuad 4, Abat 3, Delos Santos 3, Antiola 2, Quiapo 2, Adriano 0, Bastatas 0, Nagma 0.

UP (67) -- Pesquera 21, Larrosa 17, Sanchez 11, Gusilatar 6, Lebico 6, Gonzales 4, Ordoveza 2, De Leon 0, Lucman 0, Rivera 0, Taulava 0.

Quarterscores: 21-0, 39-25, 57- 47, 73-67.

(Ikatlong Laro)

UST (58) -- Irebu 24, Gandalla 13, Rivera 7, Callangan 6, Tacatac 5, Ferrer 3, Gonzales 0, Javier 0, Panti 0, Sangalang 0, Soriano 0.

UE (49) -- Ganade 17, Cortizano 11, Ordas 9, Pedregosa 7, Cuadero 3, Caraig 2, Fernandez 0, Nama 0, Raymundo 0, Terrinal 0.

Quarterscores: 4-13, 13-20, 39- 35, 58-49.