Touching ang message na ibinahagi ni Ken Chan para sa kanyang ka-love team na si Rita Daniela na nag-celebrate recently ng kanyang ika-24 birthday.

Rita at Ken

Ayon sa Instagram post ng Kapuso actor, masaya siya sa nangyayari sa buhay ng kanyang kapareha sa upcoming primetime series na One of the Baes.

“Nakikita ko sa mga mata mo kung gaano ka kasaya. Masaya ako para sayo kasi unti-unti mo nang naabot mga pangarap mo Ta,” ayon sa post ni Ken.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

“Masaya din ako kasi bahagi ka ng buhay ko. Akap! Maligayang kaarawan @missritadaniela.” Dagdag pa ng actor.

Sinagot naman ni Rita ang message na ito at nagpasalamat sa presence ni Ken sa buhay niya.

“Salamat, Ken. Masaya rin ako na bahagi ka ng buhay ko. Stay the same and keep on smiling kasi that’s your gift. You share so much energy and happiness to a lot of people!”

Maraming tao ang hindi lang kinikilig sa tambalang RitKen kundi humahanga pa sa nabuong samahan ng dalawa. Nakikita raw kasi nila na sincere sina Ken at Rita sa kung anong mayroon sila ngayon. Kaya naman nakikita ito sa kanilang mga project sa TV at radio.

Pero higit na excited siyempre ang RitKen fans dahil malapit na nilang mapanuod muli ang kanilang mga idolo sa One of the Baes sa GMA Telebabad.

-Mercy Lejarde