TRENDING ang teaser ng nalalapit na pelikulang Isa Pa With Feelings, na pinagbibidahan nina Kapamilya actor Carlo Aquino at Kapuso actress Maine Mendoza.

Wala pang isang araw mula nang ilabas ang isa’t kalahating minutong teaser na produced ng Black Sheep, na kakuha na agad ito ng halos isang milyong views.

Sa pelikula, ginagampanan ni Maine ang karakter ni Mara, isang sign language teacher habang si Carlo bilang Gali, ang kanyang deaf neighbor.

Sa teaser makikita ang eksena kung saan sumasayaw ang dalawa, at isa pa na tila nasa isang one-on-one sign language class ang mga bida. Directed ang “Isa Pa With Feelings” ni Prime Cruz.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Stephanie Marie Bernardino