HINDI na namin babanggitin kung anong pelikula ang pinanood namin nitong Lunes nang gabi sa Robinsons Magnolia na inakala namin ay box office hit tulad ng sinasabi ng lahat bukod sa Panti Sisters nina Paolo Ballesteros, Martin del Rosario at Christian Bables na handog ng Blacksheep, Quantum Films at IdeaFirst Company.

Pero laking gulat namin dahil pagpasok namin sa loob ng sinehan ay pito lang kami at sa kalagitnaan ay nag-walk out pa ‘yung dalawa dahil hindi nila natagalan ang pelikula.

Sa simula ay naririnig na namin ang tsikahan nang magkaibigan, “maganda raw ito, eh. kumita, bakit pito lang tayo? Ah, baka kasi last full show na.”

Hanggang sa bandang gitna na, “ay bakit ganyan, hindi maganda ang kuwento. Anong aral ang kapupulutan nito? Tara na, laylay na.”

Blind Item

Influencer na 'kagagahan' content, gusto pa sinusubuan ng PA habang pinapalitadahan ng make-up?

Napakunot – noo kami, e, okay naman para sa amin ang pelikula dahil nangyayari naman talaga sa panahon ngayon ang ganu’n klaseng istorya na hindi lang nalalaman ng iba kasi hindi naman dapat ipinagkakalat.

‘Yun nga lang medyo nakakairita talaga kapag ang isa sa character, e, insensitive na nangyayari talaga sa isang relasyon na dahilan kaya naghihiwalay.

Nagustuhan namin ang pelikula at mga nagsiganap, medyo bothered lang kami na napakaraming extreme close-ups, para kaming nanonood ng teleserye.

Kitang-kita tuloy na marumi ang face nu’ng bidang lalaki, nalimutan yatang magpa-facial bago mag-shoot, kasi sa bandang gitna, kuminis na samantalang napakakinis ng lahat ng kasama niya sa pelikula.

‘Yung isang aktres na support, hulas ang make-up pero sa ibang eksena maayos at skin glass na. ‘Yung aktor din na kasama ay naka-tattoo ang kilay, uso na pala sa straight guy ngayon na nagpapa-tattoo ng kilay.

Sabi ng kasama namin, “sure ka bang straight guy siya?

‘Yun lang!

-Reggee Bonoan