THANKFUL si Martin del Rosario na kinuha siya sa The Gift para maging kontrabida ni Alden Richards. Labis pala ang paghanga ni Martin kay Alden.
“Excited ako dahil first time kong makakasama si Alden,” kuwento ni Martin. “Isa kasi siya sa mga artistang nilu-look up ko in terms ng ugali, personality. Sa napapanood ko sa kanya, sa lahat ng success niya, lahat ng narating niya hindi lang bilang artista, kahit sa mga business, kung ano yung ginagawa niya sa family niya, sobrang humble pa rin niya.
“Hindi siya tulad ng ibang artista na feel na feel ang pagka-celebrity, yung ganoon. Kaya excited ako na ngayon, makakasama ko na siya.”
May isa pang dahilan si Martin kung bakit masaya siya bilang kontrabida.
“Gusto ko ring i-prove na ako, I’m a very versatile actor at itong gagawin ko na platform na The Gift para ipakita ko sa kanila, kung ano yung kaya kong gawin. Kaya ko rin mag-ibang character. Usually kasi grey ang role ko, o di kaya isang beki. Pero dito, mas nasasarapan ako na malaya akong gumalaw, ang dami kong pwedeng gawin, kasi noon isa ito sa mga dream kong gawin, maging kontrabada. Sabi kasi nila masyado raw maamo ang mukha ko, kaya challenging talaga ang role ko rito bilang si Jared, na hindi ko alam stepbrother ko pala si Sep (Alden) at gagamitin ko ang gift niya dahil gusto kong pasukin ang pulitika, gusto kong gayahin ang tatay ko, played by Christian Vasquez.”
Directed by LA Mdridejos, nagsimula nang mapanood ang The Gift nitong Lunes ng gabi, September 16, after ng Beautiful Justice.
-Nora V. Calderon