SI Kathryn Bernardo lamang ang tanging Pinay actress na nakapagtala ng dalawang magkakasunod na pelikulang kumita ng P800 milyon sa box-office. Una ay ang The Hows of Us, noong nakaraang taong 2018 nu’ng tumabo ng mahigit P800 milyon sa global sales ang pinagbidahan nilang pelikula ng kanyang boyfriend na si Daniel Padilla.

KATHRYN

Nasundan ito ng katatapos lamang i-showing na Hello,Love Goodbye, with Alden Richards na tumabo naman ng P880 milyon in global sales sa loob ng isang buwang pagpapalabas sa mga sinehan. Kaya’t kung tutuusin may karapatang tawagin ang aktres bilang certified box-office queen of all times.

Sa huling panayam sa Kapamilya actress, tungkol sa ‘di mapapantayang success ng dalawa niyag pelikula, sinabi niyang, “Ang hirap i-explain sa isang salita lahat ng nararamdaman ko kasi kahit ngayon minsan naiisip ko nangyayari ba talaga ‘to? I am just very thankful na lahat ng pagmamahal namin sa pelikula, sa kung ano ang ginagawa namin, bumabalik siya ngayon and grabe hindi ako makapaniwala na nangyari ‘to,”.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Tanging pakunsuwelo raw ni Kathryn ay madaming naka-relate sa kanyang role bilang OFW na nakikipagsapalaran

-ADOR V. SALUTA