SUMARGO sa kanyang pinakaunang panalo sa taon ang pambatong cuemaster ng bansa na si Dennis Orcollo nang tanghaling kampeon sa Houston 9-Ball Open kamakailan sa Texas.

orco

Naungusan ni Orcollo sa all-Pinoy Finals si Roberto Gomez, 9-8.

Ang nasabing panalo ay tiyak na nagbigay ng mas mataas na kumpiyansa para sa dating  World 8-Ball champion para sa pagsabak  30th Southeast Asian Games (SEAG) sa Manila.

Probinsya

Asawa ng mastermind sa pagpatay sa mag-asawang online seller, nagpadala raw ng lechon bago ang krimen?

Apat na beses nag-uwi ng gintong medalya si Orcollo buhat sa biennial meet noong 2005, 2011, 2013 at 2015, habang nag-uwi naman siya ng  bronze medal noong 2017 SEA Games.

Sa ikalimang pagkakataon, sisikapin din ng one-time Asian Games gold medalist (2010) na  makasungkit ng ikalimang gintong medalya sa biennial meet.

"Sisikapin ko na makakuha ulit ng ginto para sa SEA Games. Itong panalo na ito, nakakataas ng moral," pahayag ng 40-anyos na si Orcollo.

Annie Abad