NAGSIMULA na ang mga makukulay na aktibidad nitong Lunes sa Malolos City, Bulacan bilang parte ng pagdiriwang sa taunang Singkaban Festival, na kasabay ng ika-121 anibersaryo ng makasaysayang Malolos Congress.
Masayang malaman ni Senator Cynthia Villar, ang guest speaker, na isang mahalagang parte ng piyesta ang kawayan.
“Here at your Singkaban Festival, I am glad that bamboo is the star of this festival. Bamboo can be cut and used and then regrown, so it is sustainable. On the other hand, through the Singkaban Festival, young people are exposed to the importance of bamboo as they continue to be the next generation,” paliwanag nito.
Isang adopted daughter ng Bulacan si Villar na nagpasalamat sa mga Bulakenyo na hindi alintana ang ulan upang maidaos ang pagdiriwang na pinangalanang “mother of all fiestas” sa probinsya.
Binanggit naman ni Governor Daniel Fernando ang pagsisikap ng mga Bulakenyo na kalimutan ang kanilang mga pagkakaiba upang makamit ang iisang layunin, na makatulong sa pag-unlad at pagsulong ng probinsya.
“We, Filipinos are born of different values, we call that our individual differences, for us to survive, we need more than our individuality, we need a sense of community, and that is the value of our cultural heritage,” ani Fernando.
Hinimok din ni Fernando ang mga kabataan na wag kalimutan ang mga nagawa ng mga magigiting na mga Bulakenyo upang kanilang isapuso.
“We are proudly introducing our great province to be an integral part of our national history. Let us strive to deepen our love for our people, our community and our traditions,” dagdag pa nito.
Naka-angkla ang pagbubukas ng Singkaban Festival sa temang “Sining at Kalinangang Bulakenyo, Dangal ng Filipino,” na tanda sa pagsisimula ng selebrasyon na mayroong napakaraming mga aktibidad na nakalinya para ipakita ang kasaysayan, sining, kultura at turismo ng probinsya.
Binuksan nila Villar, Fernando at Vice Governor Wilhelmino M. Sy-Alvarado, ang piyesta sa pamamagitan ng isang thanksgiving mass, flag-raising ceremony at isang opening program na isinagawa sa harap ng Capitol building ng lungsod.
Matapos ang programa, ang mga pumarada ang mga float na sumisimbolo sa 3 lungsod at 21 mga munisipalidad, sa kalsada bilang parte ng paligsahang Parada ng Karosa.
Nagpamalas naman ang mga alagad ng sining ng kanilang mga pinakadakilang mga obra sa Singkaban Art Exhibit sa Hiyas ng Bulacan Museum.
PNA