SASABAK si Pinoy fighters Samuel Salva at Pedro Taduran sa makasaysayang world title fight sa Sabado.

Nakataya sa laban ng dalawang Pinoy ang bakanteng International Boxing Federation(IBF) minimumweight crown sa Jurado Hall ng Philippine Marine Corps headquarters sa Fort Bonifacio, Taguig.

Ipinahayag ni International matchmaker Sean Gibbons, pangulo rin ng MannyPacquiao’s MP Promotions, na ang laban ang kaun-unahang pagkakataon na maglalaban ang dalawang Pinboy sa world title sa bansa.

“The last time was when Pancho Villa defended the world flyweight title against Clever Sencio in 1925,” sambit ni Gibbons sa kanyang pagbisita sa PSA Forum na itinataguyod ng San Miguel, Braska Restaurant, Amelie Hotel, and the Philippine Amusement andGaming Corporation (PAGCOR).

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Libre sa publiko ang laban.

“This is an exciting time for Filipino boxers,” pahayag ni Gibbons.

Nitong Agosto 24, inorganis arin ng MP promotion ang interim World Boxing Organization bantamweight title ni John Riel Casimero sa San Andres Sports Complex sa Malate.

Tangan ni Salva ang 17-0 record tampok ang 10 KOs, habang si Taduran, ay may 13-2 marka na may 10 KOs