NAUNGUSAN ni Philippines’ youngest Woman Fide Master (WFM) Antonella Berthe “Tonelle” Murillo Racasa si Meiru Duan ng China sa Round 4 para manatiling nasa kontensiyon ng World Cadet Chess Championships nitong Sabado sa Yujing Hotel sa Weifang, Shandong, China.
Dahil sa panalo ng 12-year-old student ng Home School Global bet na si Racasa, nakaipon siya 2.5 puntos sa apat na laro sa Under-12 girls’ division.
Ang kanyang kampanya sa China ay suportado nina Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor) chair at CEO Andrea Domingo, D. Edgard Cabangon ng ALC Group of companies, Mandaluyong City Mayor Menchie Abalos at Councilor Charisse Abalos, Mr. Rogelio Lim ng Boni Tower at Makati Medical Center President at Chief Executive Officer Rose Montenegro.
Makakalaban ni Racasa si Katerina Braeutigam ng Germany sa Round 5.