DALAWANG international tourney ang ilalarga ng Philippine Soft Tennis Association (PSTA) bilang bahagi ng pagsasanay para sa 30th Southeast Asian Games.

Kabuung 300 atleta mula sa 12 bansa ang sasabak sa 1st Asian Junior Soft Tennis Championships (Aug. 26-30) kasunod ang 1st Asian University Soft Tennis Championships (Sept. 1-3) sa Colegio San Agustin Tennis Center sa San Jose del Monte, Bulacan.

JEFF TAMAYO

JEFF TAMAYO

Ang 1st Asian University Soft Tennis Championships, magsisilbing SEA Games test event,  ay magbibigay ng pagkakataon sa local players na masukat ang kanilang kahandaan sa SEAG laban sa pinakamahuhusay na player mula sa China, Japan, Mongolia, Nepal, Democratic People's Republic of Korea,  South Korea, Chinese Taipei, Thailand, Cambodia, Malaysia, Indonesia at Laos.

Sen. Bong Go, binalikan payo sa kaniya ni FPRRD

Huling nilaro ang soft tennis sa SEAG noong 2011 kung saan nagwagi ang Nationals ng isang silver at limang bronze.

Ayon kay PSTA president Antonio Jeff Tamayo Jr. tinatanaw siyang utang na loob ang suportang ibinigay ng Asian Soft Tennis Federation (ASTF) sa bansa para ma-organized ang dalawang international meet na aniya’y  "truly a fitting accolade which reflects our managerial expertise and hard work".

"For this achievement, I am humbled and thankful for the cooperation of our friends at the Department of Education, Philippine Olympic Committee, Philippine Sports Commission, NCAA Mancom and the PSTA officers specially our president emeritus and former ASTF/ISTF vice president BGEN Dr. Antonio L. Tamayo," aniya.