TINANGHAL na Boys All-Star Game MVP si Pinoy youth player Harold Alarcon sa Basketball Without Borders (BWB) Asia 2019 nitong weekend sa Tokyo, Japan.
Kabuuang 64 campers mula sa bansa at teritoryo sa Asia-Pacificang sumabak sa torneo na tinampukan ng All-Star Games at three-point shootout, tampok ang Pinoy campers na sina Batang Gilas forward Joshua Rafael Lazaro, Jr. NBA Philippines All-Stars Harold Alarcon at Florence Jil Talas.
Matapos ang pag-aaral at skills training, isinagawa ang playoffs games para mapili ang grupo na maglalaban sa championship matchup. Sa girls side, ang New York Liberty at Los Angeles Sparks ang nagharap sa finals na pinagwagihan ng Liberty, 33-18.
Sa boys championship, nagwagi ang Orlando Magic, pinangasiwaan ni NBA assistant coach Pat Delany, ang Minnesota Timberwolves 22 – 16.
Nangibabaw si Mustafa Rashed ng Bahrain sa boys 3-point contest, habang si Miyu Ogita ng Japan ang nagwagi sa girls side.
Sa All-Star game, nangibabaw ang West All-Stars sa girls side (29 – 23), habang ang East All-Stars ang nagwagi sa boys side, 42 –37 , tampok angh All-Star Game MVP award para sa Pinoy youth star na si Alarcon.
Sa pagtatapos ng Camp, pinangalanan sina Junseok Yeo (South Korea) bilang Boys MVP, at si Georgia Woolley ng Australia ang MVP sa girls side.
Narito ang kompletong listahan ng All-Star.
Girls All-Star Team:
East – Siya Deodhar (India), Aika Hirashita (Japan), Jayzelee Waihi (New Zealand), Georgia Woolley (Australia), Ruby-Belle Macdonald (Australia), Jiyeong Moon (South Korea), Jazzmyne Kailahi-Fulu (New Zealand)
West – Florence Jil Talas (Philippines), Maho Hayashi (Japan), Emilia Shearer (New Zealand), Harsimran Kaur (India), Miyu Ogita (Japan), Isabelle Morgan (Australia), Emily Sewell (Australia)
Boys All-Star Team:
East – Mustafa Rashed (Bahrain), Atsuya Ogawa (Japan), Harold Alarcon (Philippines), Clifton Bush III (New Zealand), Alexander Frederick Zanbaka (Lebanon), Kyutae Lee (South Korea), Daniel Rogers (Australia), Amaan Sandhu (India)
West – Hendrick Xavi Yonga (Indonesia), Kaine Roberts (Japan), Enkhiin-Od "Michael" Sharavjamts (Mongolia), Joshua Rafael Lazaro (Philippines), Patrick Ryan (Australia), Haomiao Sun (China), Jun Seok Yeo (South Korea), Lewis Rowe (Australia)