KASAYSAYAN ang moog ng Rizal Memorial Coliseum. At sa pagkakataong ito, hindi mababalewala ang marka na iniwan ng mga naunang sports superstars sa pinakamatandang basketball court sa bansa.

Ayon sa Philippine Sports Commission (PSC), isang world-class na coliseum ang mapapakinabangan ng sambayanan, sa isinagawang pagsasaayos sa basketball court na naitayo noong pang 1934.

KABILANG ang tatlong bagong ambulansiya sa inihanda ng Philippine Sports Commission (PSC) para sa SEA Games.

KABILANG ang tatlong bagong ambulansiya sa inihanda ng Philippine Sports Commission (PSC) para sa SEA Games.

Ayon kay PSC Deputy Executive Director Atty. Guillermo Iroy, Jr., hindi apektado sa pagsasaayos ang orihinal na porma at mga biga ng isa sa historical landmark sa Manila, subalit isang maginhawang kapaligiran, dressing rooms at flooring ang isinaayos sa Rizal Memorial Coliseum.

Probinsya

Aso sa Masbate, pinalo sa ulo hanggang mamatay–‘for the content’ lang?

Sinimulan ang pagsasaayos sa 85-anyos Art Deco structure ni national artist Juan Arellano nitong Hunyo at ibinida ni Iroy na matatapos ng contractors ang pagsasaayos para sa SEA Games na nakatakda sa Nov. 30-Dec. 11.

“The work being done is round-the-clock, 24 hours,” pahayag ni Iroy.

Sentro ng Philippine sports ang Rizal Memorial Coliseum na nagsilbing venue sa malalaking international basketball at naging tahanan at humubog sa galing ng mga sports icon sa bansa tulad nina Robert Jaworski at ngayo’t PSC Commissioner na si Ramon Fernandez.

Dito rin ginanap ang ilang malalaking laban ni boxing great Flash Elorde noong dekada 50 at 60.

May sitting capacity ang Rizal Coliseum na 8,000 at sa unang pagkakataon at nakasunod na sa modernong disensyo at fully air-conditioned.

“We’ve received inquiries about the use of the venue from the UAAP,” pahayag ni Iroy.

Ang pagsasaayos sa Rizal Coliseum ay bahagi ng P800 milyon pondo na inilaan ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR). Nick Giongco