TRABAHO NA TAYO!

WALA ng banggaan sa responsibilidad ang Philippine Sports Commission (PSC), Philippine Olympic Committee (POC) at Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC).

Sa isa pang patunay ng katatagan ang pagkakaisa ng mga sports leaders para masiguro ang kahandaan at tagumpay ng 30th Southeast Asian Games hosting, nilagdaan ng tatlong ‘major players’ ang memorandum of agreement (MOA) na tumutukoy sa kani-kanilang gawain at responsibilidad.

UNITY! Sa unang pagkakataon, nagpakita ng tunay na pagkakaisa ang mga lider at opisyal mula sa tatlong ‘major player’ sa paghahanda ng 30th Southeast Asian Games hosting. PSC PHOTO

UNITY! Sa unang pagkakataon, nagpakita ng tunay na pagkakaisa ang mga lider at opisyal mula sa tatlong ‘major player’ sa paghahanda ng 30th Southeast Asian Games hosting. PSC PHOTO

National

Sa kalagitnaan ng pagkahimatay: Medialdea, si FPRRD pa rin iniisip

Iminarka nina PSC chairman Butch Ramirez, POC president Bambol Tolentino at  PHISGOC  Chief Executive Officer Ramon ‘Tats’ Suzara ang kanilang mga lagda sa harap nang lider ng iba’t ibang national sports associations (NSAs), mga atleta at coach sa ginanap na media conference kahapon sa PSC administrative office sa Manila.

Batay sa MOA, nakasentro ang atensyon ng PSC sa pagpapalabas ng kinakailangang pondo na inilaan ng pamahalaan, gayundin ang pagrepaso sa mga dokumento na magpapabilis sa importasyon ng mga sports equipment at kagamitan na kailangan sa konstrucsyon ng mga venues para sa SEAG na nakatakda sa Nobyembte 30 hanggang Disyembre 11.

Nakasentro ang SEAG sa New Clark City sa Pampanga, Subic, Tagaytay City, Batangas, Manila at Philippine Arena sa Bulacan para sa opening ceremony.

Sasagutin naman ng PHISGOC ang pangangailangan sa organisasyon, pamamahala , at paghahanda batay sa regulasyon ng International Olympic Committee (IOC) at SEA Games Federation.

Responsibilidad naman ng POC ang komunikasyon sa SEAGF, pamamahala sa NSAs hingil sa kani-kanilang line-up at kahandaan ng mga atleta para masiguro ang target na overall championship.

Ngunit, iginiit ni Ramirez na magiging mahigpit ang PSC sa pagpapalabas ng pondo, higit at hindi biro ang inilaang P6billion ng pamahalaan, sa pangunguna nng Pangulong Duterte at ayuda ni Senator Bong Go.

“Wala dapat na masayang na pera because what we are going to spend is public funds,” pahayag ni Ramirez, patungkol sa direktiba ng Malacanang.

Kabuuang 1,868 (1,068 lalaki at 800 babae) atletang Pinoy ang sasabak sa 530 events mula sa 56 sports.

“What’s the use of being the host and spending that much if we cannot win the championship?” sambit ni Ramirez.

Gaganapin ang opening ceremony sa Philippine Arena sa Bocuae, Bulacan, habang ang bulto ng mga events, kabilang ang centerpiece athletics at multi-event swimming at ang closing ceremony ay sa New Clark City sa Capas, Tarlac.

"We are very happy for this tripartite. Medyo late nga ito but this is a commitment to make sure that we are all for a successful hosting," pahayag ni Ramirez.  Annie Abad