Nababahala si Senate President Pro Tempore Ralph Recto sa ulat ng United Nations na ang Pilipinas ang may pinakamataas na bilang ng mga pekeng gamot sa buong Southeast Asia.
Sa kanyaang resolusyon, ipinahayag ni Recto na kailangang imbestigahan ng Senado ang report ng UN Office on Drugs and Crime (UNODC) 2019 sa “Transnational Organized Crime in Southeast Asia: Evolution, Growth and Impact”.
Ayon sa ulat ng UNODC, mula 2014 hanggang 2017 ay dumagsa sa Pilipinas ang mga pekeng gamot na mula sa mga bansang Pakistan, India at China.
“In 2018, no less than President Duterte described the availability of counterfeited paracetamol brands in the country as a growing threat and ordered the arrest of their makers and sellers,” ani Recto.
Aniya, nakakabahala ito lalo pa at nabibili rin ang mga gamot sa mga sari-sari store na binebenta sa murang halaga.
“Hindi lahat ng drug dealers shabu ang ibinibenta. Ang iba, pekeng gamot sa infection, rabies, TB, cancer, ubo at lagnat ang inilalako,” lahad ni Recto.
-LEONEL M. ABASOLA