Kumpiyansa si Justice Secretary Menardo Guevarra na mailalabas na ng Quezon City Regional Trial Court (RTC) ang ang hatol nito sa mga nakasuhan sa 2009 Maguindanao massacre.
“The DOJ (Department of Justice) expects that a judgment will be rendered before the 10th anniversary of the infamous massacre on 23 November 2019, and that justice will finally be served,” pahayag ng Kalihim.
Inihayag ni Guevarra na natapos na ang pagdinig sa kaso nitong Hulyo na pinamunuan ni Judge Solis-Reyes ng QC RTC Branch 221.
“The trial of the Maguindanao massacre was finally completed on 17 july 2019” pagbabahagi niya.
“The parties were given until 15 August 2019 to submit simultaneously their respective memorandum or written summation, after which the case shall be considered as submitted for decision, with or without the memoranda of the parties,” dagdag pa niya.
Nobyembre 23, 2009, nang mapatay ang 58 katao kabilang ang 32 mamamahayag sa Barangay Salman sa Ampatuan, Maguindanao.
Bahagi ang mga pinaslang ng isang convoy na maghahatid sana para sa paghahain ng kandidatura ni noo’y Buluan Vice Mayor Esmael Mangudadatu para sa 2010 gubernatorial election.
Ay 197 indibiduwal ang kinasuhan hinggil sa kaso kabilang ang mga miyembro ng angkan ng mga Ampatuan, kasama ang nakadetine na nasi dating Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Governor Zaldy Ampatuanat kapatid nitong, si dating Datu Unsay Mayor Andal Ampatuan.
Kabilang din sa mga akusada ang kanilang ama, si dating Maguindanao Gov. Andal Ampatuan Sr., ngunit pumanaw na ito habang nakakulong.
-Jeffrey Damicog